Kadakilaan ni Tom Rodriguez, makikita sa The Significant Other?

Feb 7, 2018

JERRY OLEA: "Kapita-pitagan na dakila!"

Iyan ang mataginting na kumpirmasyon ni Direk Joel Lamangan sa kadakilaan ng ari-arian ni Tom Rodriguez sa presscon ng pelikulang The Significant Other kahapon, Pebrero 6, sa Empacho restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Tawa nang tawa si Mang Tomas (palayaw ni Tom) sa paglalarawan ni Direk Joel.

Hindi kilala ni Tom si Mang Kanor na sumikat dahil sa kumalat nitong porn video.

At hindi naman porno ang pelikula nila na nakatakdang ipalabas sa Pebrero 21.

Kaabang-abang kung paano naglampungan dito ang mga tuhod nina Tom at Lovi Poe.

Nakakadarang ang passionate scene nila. Makatotohanan.

Kung ano ang hiningi ni Direk Joel, ibinigay nila.

Siniguro ni Tom na hindi magseselos ang kasintahan niyang si Carla Abellana, at naiintindihan nitong trabaho lang iyon, walang personalan.

“Pump!” utos ni Direk Joel sa eksena nina Tom at Lovi.

Napamulagat sa pagkagulat si Tom, pero sumunod siya.

Nag-alala si Tom na baka kumaskas ang kanyang kadakilaan sa kaselanan ni Lovi, kaya ingat na ingat siya.

Continue reading below ↓

Muntik-muntikan na silang magkiskisan, at natuwa si Direk Joel sa kinalabasan.

NOEL FERRER: Sana makatulong ang pinagpipitaganang kadakilaan ni Tom sa kalalabasan ng pelikula.

Teka, bakit kaya yung lampungan lang nila ng asawa niya sa pelikula na si Lovi ang pinag-uusapan?

Hindi ba’t mas passionate ang bawal na pag-ibig na siyang naganap sa kanila ni Erich naman?

Bakit parang low key si Erich sa pagpo-promote ng pelikula? Ibang iba sa Erich na nasa Siargao, ha.

Hindi ba kumaskas ang kadakilaan ni Tom bilang ka-extra marital affair niya?

GORGY RULA: Sa totoo lang, walang keber si Tom na pag-usapan ang kadakilaan niya. Kahit nga makitaan siya, ok lang sa kanya.

Naikuwento nga niya nung 18 years old siya, nag-pose siya nang nude sa isang painting session sa Art class nila sa U.S.

Wala lang daw makuhang model kaya pumayag na siya.

Nai-tsika rin ni Tom na na-sight nga raw ni Juan Sarte ang "ulo ng gapo" sa Bench underwear pictorial nila sa Cuba.

Continue reading below ↓

Inaayos daw kasi ang suot na underwear at aksidenteng umalagwa.

Buti na lang konti lang daw sila dun at si Juan lang ang masuwerteng naka-sight. Kainis!

Read Next
Read More Stories About
Tom Rodriguez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results