Tom Rodriguez at Vhong Navarro, the show must go on pagkatapos mawala ang kanilang mga ama

Feb 9, 2018

GORGY RULA: Hindi napigilan ni Tom Rodriguez ang maiyak nung ipinakita ko sa kanya ang mga litrato ng mommy at daddy niya na naka-save pa sa iPad ko.

Isinama kasi ni Tom ang parents niya nung rumaket ito minsan sa District 1 ng Camarines Sur noong 2015.

Gustung-gusto ng mommy niyang magsimba sa Basilica Minore ng Our Lady of Peñafrancia, kaya habang nagpapahinga si Tom sa hotel na tinutuluyan nila, ipinasyal ko sa iba’t ibang simbahan doon sa Naga ang magulang niya.

Napaluha pa nga ang mommy niya dahil matagal na niyang gustong puntahan ang mga simbahan sa Naga.

Naalala ni Tom na nung panahong yun ay may iniinda na palang sakit ang daddy niya, hindi lang sinasabi sa kanila.

Pumanaw noong 2017 ang kanyang ama.

Dad with his babies :):):)

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Sabi ni Tom, hanggang ngayon ay mahirap pa rin sa kanya ang mag-move on sa pagpanaw ng kanyang ama na talagang ina-idolize daw niya.

Continue reading below ↓

Ganundin ang pinagdaanan ni Vhong Navarro, na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng kanyang ama.

Akala raw niya ay hindi niya kakayanin, dahil ang dami niyang pinagdaanan mula nung nakaraang taon pa.

Ani Vhong, “Ako, 2017 hanggang sa pagpasok ng 2018, ang bigat masyadong pinagdaanan.

"Pero tulad nga nun... naano lang ako, especially nung pagkamatay ng tatay ko, yun ang pinaka-isa sa ayokong mangyari at ayokong pagdaanan, dahil feeling ko, hindi ko kayang malagpasan.

“Pero nangyari. Nagulat ako sa sarili ko, 'O, kaya pala, basta meron kang pananampalataya sa Diyos.'

"Kasi kung wala kang pananampalataya, maliligaw ka.

"Yun lang ang kinapitan ko, saka siyempre ang mga mahal ko sa buhay, ang mga kaibigan ko."

Malaking bagay raw yung madalas na pagdarasal niya at malalim na pananalig sa Diyos.

Sabi ni Vhong, “Sa totoo lang, pagdarasal at yung faith mo kay God, huwag mawawala.

"Kasi wala, e, sa panahon na 'to, kahit sino tawagin mo, kahit sinong napakalaking tao o mga kaibigan mo malalapit, e, wala.

Continue reading below ↓

"Pag wala kang pananampalataya sa Panginoon, hindi mo malalagpasan ang lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay mo."

Nung nakaraang Sabado lang bumalik si Vhong sa It’s Showtime, pagkatapos niyang mawala ng dalawang linggo.

Ang hirap daw kasing ipakita sa mga manood na masaya at nagpapatawa gayung nagluluksa pa siya.

“Sa Showtime kasi, yung paghu-hosting namin, hindi naman yung gumagawa ng pelikula na may character ka, e.

"Ikaw yun, e. Personality mo 'yan, e.

“So, hindi ako puwedeng makipaglokohan na, 'Uy okay ako, kahit hindi ako okay,' sabi pa ni Vhong.

NOEL FERRER: Their parents must be blessing them from above.

Di ba’t ganyan din yung kay Jericho Rosales sa Siargao?

God bless those children who honor their parents.

JERRY OLEA: The show must go on para kina Tom at Vhong.

Kamamatay lang ng kanyang ama nang mag-shooting si Tom ng pelikulang The Significant Other.

Continue reading below ↓

Naging therapy para sa kanya na isubsob ang sarili sa trabaho.

Ganoon din si Vhong. May bago siyang pelikula, kung saan walo o higit pa ang gagampanan niyang karakter.

Life goes on.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results