Makapatid-litid showdown sa concert nina Martin, Ogie, Regine, and Erik

Feb 11, 2018

JERRY OLEA: Nag-standing ovation kay Martin Nievera ang audience sa #paMORE concert kagabi, Sabado, Pebrero 10, sa MoA Arena.

Hinimok kasi ni Ogie Alcasid ang mga tao na magpugay sa Concert King, na sa loob ng 35 taon ay malaki ang naitulong sa concert artists ng bansa.

Masigabong palakpakan din ang iginawad kina Martin at Erik Santos sa Broadway medley nila.

Personally, pinakagusto namin ang duet nina Ogie at Regine Velasquez ng "Beautiful Life" na kaugnay sa Koreanobelang Goblin. Nabaliw kami! Nahibang! Lumalagaslas na ang aming luha nang matawa kami sa video clips, kung saan ala-Kim Shin (karakter ni Gong Yoo) si Regine, at ala-Ji Eun-tak (Goblin’s Bride, ginampanan ni Kim Go-eun) si Ogie.

Sa simula ng concert ay “apat dapat, dapat apat” ang peg nila, kung saan hindi namin mawari ang blending. Hindi masyadong harmonious at halatang kulang sa praktis! Pero nang magsolo-solo sila ay bonggabella ang kani-kanyang pasiklab.

Continue reading below ↓

Makapatid-litid ang kanilang showdown!

Applauded nang husto ang ‘Korean’ song na nilikha ni Ogie entitled "Taba Ko Na Bes."

Pang-millennial ang The Greatest Showman segment nila, pati na ang pag-awit nila ng "Malaya" ni Moira de la Torre. Nanood sa kanila si Moira, at pinasalamatan ito ni Erik sa pag-imbento ng "har har singing." Ang naturang awit ay handog nila sa malalamig ang Valentine.

In-acknowledge din ni Erik ang “good friend” niyang si Angeline Quinto, na ikinakilig at ikinatili ng kanilang fans.

Nasa audience din sina Vice Ganda at Jed Madela.

Nagpasalamat sina Martin, Ogie at Erik sa mga Kapamilyang nanood.

“Ako lang pala ang Kapuso rito,” pakli ni Regine, at biniro ng ‘tatlong itlog’ na puwedeng maging Kapamilya rin ang Songbird.

Mabilis ang hirit ni Mrs. Alcasid, “OK naman ako. Malaki ang bayad ko. Malaki ang suweldo ko roon!” Sulit na sulit ang bayad sa tiket dahil mahigit dalawa’t kalahating oras ang concert.

Continue reading below ↓

At dahil #paMORE ang palabas ay may encore pa sila.

NOEL FERRER: Congratulations kina Martin, Ogie, Regine, at Erik sa #paMORE concert.

Sayang nga lang at palipad na papuntang Blue Note Hawaii si Martin para sa isang Valentine series kaya kahit naisin at hilingin pa ang MORE at repeat ng concert na ito ay hindi na puwede.

Oh well, ano naman kaya ang kumbinasyon sa susunod na taon?

Ngayon si Erik ang nadagdag.

Next year kaya, sino ang makakasama ng Songbird na parang siya may hawak ng Valentine show franchise sa MoA-Arena. Esep esep.

GORGY RULA: Si Erik ang nakinabang nang husto sa concert na ito. Buong mapagpakumbabang sinabi niyang kahit wala siya ay buo pa rin silang tatlo. MOR pa rin naman daw ang basa nung kahit walang E.

Pagkatapos ng Broadway duet nila ni Martin, sinabi ni Erik sa audience na nung bata pa raw siya, talagang pinag-ipunan daw niyang makapanood ng concert ni Martin.

Continue reading below ↓

Nasa tuktok, sa bleacher lang daw ang kaya niya, pero okay lang sa kanya basta mapanood lang ang idol niya. Kaya mensahe niya sa mga nakaupo sa bleacher, sa itaas na bahagi ng SM MoA Arena, huwag daw mawalan ng pag-asa, dahil darating din ang araw na makakapanood din sila sa bandang harapan o kapag magpursige at magsikap, maabot din ang pangarap na makapag-perform sa stage kasabay ang iniidolong singer, kagaya nang nangyari sa kanya.

Sabi ni Martin, may karapatan siyang ihanay sa kanila, kaya nung gabing iyun ay pinromote na nilang tatlo ang celebration ni Erik ng kanyang 15th anniversary.

Magkakaroon daw ito ng malaking concert sa September na gagawin sa isang malaking venue kagaya ng Arena.

Biro ni Regine, isasanla raw niya ang mga diamonds sa suot niyang gown para ipag-produce ng concert si Erik.

Pero bahala na raw si Ana Puno ng Star Media para ipag-produce ng malaking concert si Erik.

Continue reading below ↓

Hindi rin nakalimutan ni Erik na batiin si Angeline Quinto na nasa audience. Kaya kinantiyawan sila ni Regine. Ewan ko kung kinilig si Angeline nang binibiro sila ni Erik.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results