Snooky Serna, aminadong ngayon lang naging propesyunal sa trabaho

Feb 12, 2018

JERRY OLEA: Nagulat kami kay Snooky Serna sa presscon kahapon, Linggo, Pebrero 11, ng The Significant Other.

Nagpasalamat kasi siya sa direktor ng movie na si Joel Lamangan dahil naturuan siya nito ng professionalism.

Taong 1970 pa nang magsimula si Cookie (isa sa mga palayaw ni Snooky) bilang child actress sa pelikulang Wanted: Perfect Mother ni Direk Lino Brocka.

Ngayon lang siya naging propesyunal?

Malumanay na sagot ng premyadong aktres, “Ano naman, I would like to think of myself as professional.

“Kumbaga, a professional and really very responsible.

“I mean, I learned it naman by myself. The hard way nga lang.

“But eventually, I did learn, thank God.

“Kaya lang, gusto ko ring ibigay yung gratitude ko rin sa kanya [Direk Joel]. Kumbaga, I want to give thanks to where it is due.

“Kasi, he furthered pa yung ano ko, yung sense of professionalism ko for the craft, at saka yung pagmamahal sa kapwa.

Continue reading below ↓

“In that sense ba... yun bang huwag ninyong pag-intayin kahit sa pag-aayos n’yo. Yung make your movements very fast.

“I mean, you know, memorize your lines. Kumbaga, time is of the essence, not only for the producers but dun sa mga...

“Ayokong sabihing mas maliliit na tao, pero yung sa mga staff, sa mga crew na may tendency na maging overworked and yet underpaid.

“So, the least that we can do is to make it a relaxed time for them, hindi yung nahihirapan sila sa paghihintay sa mga artista.”

Continue reading below ↓

Walang qualms si Snooky sa pag-aming naging unprofessional siya at nagpa-late dati.

Blatant daw ang mga ginawa niyang iyon—obvious na obvious—at napakaplastik niya kung magde-deny siya.

Naparusahan pa nga raw siya. Tinaguriang Pagong.

Pero ngayon, nagpatotoo si Direk Joel na maliksi na siya.

Kung hindi na siya pagong, anong hayop na siya?

Pawikan?

“Hindi! Mabigat ‘yon!” bulalas ng aktres, na nagbida sa fantasy films na Blusang Itim (1986), Rosa Mistica (1988), at Madonna: Ang Babaing Ahas (1991).

Napangiti si Snooky, “Ako ngayon siguro, eh, pagong pa rin... pero flying pagong! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA: Naniniwala akong karamihan talaga sa mga artista may kanya-kanyang baltik.

Si Snooky lang ang isa sa luka-luka talaga.

Pero kung magaling ka talaga at naabot mo na rin ang status ng isang big star, mahirap ka nang pabagsakin.

Kahit ano pang kalokahan na ginagawa ni Snooky, nabibigyan pa rin sya ng isa pang pagkakataon. Marunong din naman kasing makisama.

Continue reading below ↓

Pero kung talagang nagbago na siya at hindi na nga siya pagong, ituloy na niya sana.

Dahil hindi na bagay sa edad niya kung magluka-lukahan pa siya.

NOEL FERRER: Truly Snooky Serna is Snooky Serna. Cookie is cookie indeed!

Read Next
Read More Stories About
Snooky Serna, Joel Lamangan
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results