Joey Marquez, hindi na sasabak ulit sa pulitika

GORGY RULA: Diretsahang sinabi ni Joey Marquez na hindi na raw niya papasukin ang pulitika.

“Diretsahan ko nang sinasabi 'yan kasi galing na ako diyan, eh. Graduate na ako diyan,” pahayag ni Joey sa shooting ng pelikulang Virgo 86 ng Imus Productions.

Kahit nga mga anak niya ay dini-discourage din niyang pasukin ang pulitika kahit maraming nag-aalok para sa 2019 Elections.


Bukod kay Jeremy Marquez, pati pala si Winwyn Marquez ay may nagkukumbinsi na ring tumakbo sa darating na eleksyon.

Hindi pa naman daw sinasabi kung ano ang tatakbuhan, pero sabi ni Joey sa kanyang anak, wala siyang magagawa kung talagang gusto nitong pasukin ang pulitika.

Pero sana tapusin daw muna ang MBA at PhD.

Sabi pa ni Joey, “Sabi ko nga, e, hindi naman negosyo 'yan, trabaho 'yan. Moral responsibility mo sa mga tao 'yan.

“Okay lang na pumasok ka diyan sa public servant, but not as a politician.

“I’ll be against everything you do if you act like a politician."

JERRY OLEA: Consistent si Tsong, in fairness!

Bago mag-start ang MMFF 2017 Parade of Stars last December 23, nainterbyu namin si Joey Marquez sa Muntinlupa Sports Center.

Doon pa lang ay nagsabi na siyang ayaw na niyang mag-pulitika.

If I remember it right, wish din ni Joey na mag-master’s at PhD muna si Winwyn bago ito pakasal kay Mark Herras.

BTW, may movie na ba si Winwyn sa Regal Entertainment?

NOEL FERRER: Simula nang mag-Erik Matti film si Joey at nabigyan ng citation sa magandang performance niya, maganda at ginanahan na siyang gumawa ng pelikula.

Nakasali sa mga romcoms ng Star Cinema at naging visible din sa hit horror film ng Regal noong MMFF.

At least, tuluy-tuloy ang paggawa niya ng pelikula, saka na (if ever uulit pa) ang politika.

Carry on, Tsong!!!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN