Sin Island, binigyan ng standing ovation; Nathalie Hart, di na tatawaging starlet

Feb 13, 2018

JERRY OLEA: Nangangamoy-blockbuster ang pelikulang Sin Island, na Rated R-16 ng MTRCB.

Swak sa Valentine’s Day ang mga hugot at payanig nito. Bangis-bangisan. Tumatagos sa laman.

Sisilaban nina Kanika (Coleen Garcia), David (Xian Lim), at Tasha (Nathalie Hart) ang mga pusong makasalanan.

May kani-kanya silang highlight na pinalakpakan at sinigawan sa special screening kagabi, Lunes, Pebrero 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, QC.

Baklang-bakla ang hitad na si Tasha, petmalu ang pagyo-yoga sa dalampasigan.

Wagi ang kanyang pagiging Panty Queen.

Mainit ang silakbo ng legal wife na si Kanika. Hindi siya basta-basta magpapasindak sa babaeng kaladkarin.

Alam ni David kung sino ang tunay niyang mahal. Tanggap niya ang kanyang pagkakamali at pagkukulang.

Ang marupok ay natutupok.

Bonggabella ang climax, na applauded din nang ganap.

Pero ang pinakamasigabong palakpakan ay sa pagwawakas ng pelikula.

Standing ovation ang mga manonood.

A star is born!

Hindi na dapat sabihang starlet si Nathalie Hart oras na ipalabas ang pelikulang ito.

Continue reading below ↓

Aktres na nga si Coleen, at ipinagmamalaki ng groom-to-be niyang si Billy Crawford ang husay nito.

Leading man na nga si Xian. Hindi na niya kailangan si Kim Chiu.


Ang mga suporta sa cast na sina TJ Trinidad, Thou Reyes, Desiree del Valle, at Nikki Valdez ay sakto ang pagpapaigting sa tunggalian ng mga katuwiran at damdamin.

Continue reading below ↓

Ang istorya ng Sin Island ay nahahawig sa isang Hollywood cult movie, na umarangkada noong 1987 sa takilya.

Highly-recommended ko ang guilty pleasure na ito.

GORGY RULA: Dahil sa box-office success ng 50 Shades Freed, puwede talagang mag-hit itong sexy movie nina Xian, Nathalie, at Coleen.

Kapag maganda ang kalalabasan nito sa takilya, may pag-asa na rin ang The Significant Other na isa ring sexy movie.

Dito natin malalaman kung gusto na ba talaga ng mga manonood ang sexy films na matagal na ring hindi nauuso.

Makakasabay ng Sin Island ang wholesome na pambatang My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Bukas na natin malalaman kung anong gusto ng mga manonood sa Araw ng mga Puso. Ang mala-fairytale na kuwento ng pag-ibig o ang mapangahas na kuwento ng laman.

NOEL FERRER: Dati, sinasabing movies are still the cheapest form of entertainment—lalo na kung Valentine’s Day—kumpara naman sa mga concert at plays.

Continue reading below ↓

Pero ngayong meron nang iFlix, Netflix, at kung anu-ano pang walwalan joints, marami nang options ang lovers, lalo na ang millennials.

Kaya isang rare feat kung kumita nang malaki ang mga pelikulang magbubukas tomorrow na Valentine’s Day!

We wish them all the best—all for the good of the industry!!!

JERRY OLEA: Mabangis ang kalaban ng Sin Island at My Fairy Tail Love Story... ang Black Panther.

May buzz ang nasabing Marvel movie, kaya exciting ang salpukan sa takilya bukas.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results