Direk Joel Lamangan, nag-enjoy kay Tom; gustong madirek si Gerald bago siya mategi

Feb 13, 2018

JERRY OLEA: Nalukring si Direk Joel Lamangan sa eksenang naka-short si Tom Rodriguez sa shooting ng pelikulang The Significant Other.

“Bakatchina ang mapa ng West Philippine Sea! Nakabalatay!” bulalas ng premyadong direktor nang makahuntahan namin sa presscon last Sunday, February 11.

“Bakit nandiyan ang West Philippine Sea? Dahil kay Tom, hindi nawawala ang West Philippine Sea.”

Sigurado ba siyang West Philippine Sea ang taglay ni Tom?

Mabilis na tugon ni Direk Joel, “Gusto mo, South China Sea?!”

Nag-enjoy si Direk na katrabaho ang pinagpalang aktor.

“Wala siyang kiyeme na magsuot ng short na maikli. Secure siya,” sambit ni Direk Joel.

“Ang mga may kiyeme-kiyeme, yung mga dyuts-dyuts.

“Ang lambing-lambing pa niya, ineng! Lagi akong niyayakap!

“Malambing na, dakingking pa! Dakota Harrison, nagpunta pa ng Quiapo at nagpaikut-ikot pa roon!”

Sino pang dakilang aktor ang nakatrabaho niya na salat sa kyeme?

Continue reading below ↓

“Si Mark Bautista,” sabi ng veteran director.

“Naidirek ko siya sa isang TV movie. Para yata iyon sa Sari-sari channel ng Cignal.

“Sa shower scene, pinag-boxer shorts ko siya. Wala siyang kyeme. Mabait pa.”

Bago siya mategi, wish ni Direk Joel na maidirek si Gerald Anderson.

Bumilib siya rito nang mapanood ito sa teleseryeng Budoy (Oktubre 2011-Marso 2012).

Bakit hindi siya mag-pitch ng indie movie para kay Gerald?

“Nahihiya ako. Baka hindi siya pumayag,” sey ni Direk Joel.

Ang partner ngayon ni Gerald sa movie, si Pia Wurtzbach.

Nakatakdang ipalabas sa Pebrero 28 ang movie nilang My Perfect You, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

“Hindi naman ako lalaban kay Pia,” pakli ni Direk Joel.


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mas maraming tsika si Direk Joel Lamangan na pang-off the record bago nagsimula ang presscon ng The Significant Other.

Meron nga siyang idinidirek ngayon na isa pang pelikula na tingin niya ay bongga rin ang bidang lalaki.

Kaya lang, ayaw na niyang pagnasaan pa, at baka may magalit.

Huwag na raw ikuwento. Eh, di quiet na lang.

Basta bilib na bilib si Direk Joel kay Tom dahil wala raw itong kaarte-arte sa katawan, at sumusunod kahit anong ipagawa sa kanya.

Sana raw maidirek pa niya si Tom ng isang matinding pelikulang magpapakita talaga ng galing niya sa pag-arte.

Pagtitiyagaan daw niya talaga ang Kapuso actor at pipigian niya nang husto.

NOEL FERRER: That February 28 playdate was supposed to be the playdate of Erik Matti’s Buy Bust, pero na-postpone for a later date.

Kasi umaasa tayong lahat na may magandang opportunity pa ito sa ibang international film festivals.

Continue reading below ↓

Now, it’s the Gerald-Pia movie na pala! Ang bilis naman nilang matapos ang pelikula. Parang kailan lang, nag storycon sila, di ba? Trust Cathy Garcia-Molina to have her genre all figured out.

Sana lang it turns out to be a good material that will serve Gerald well as an actor and Pia as a box-office draw—after ng kanyang gumimbal sa takilyang pelikula with Vice Ganda.

As for Direk Joel doing a film with Gerald, possible naman yun.

But one thing is sure. Kung mangyari man yun, I’m sure, makakasama nila si Jim Pebangco!

Happy Valentine’s Day!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results