Premiere ng ElNella movie, dinedma ng ina ni Janella Salvador?

Feb 13, 2018

GORGY RULA: No show si Jenine Desiderio sa premiere ng pelikulang My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador, na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall kagabi, February 12.

Bantay-sarado si Janella ng handler niya at ilang staff ng Regal Multimedia para hindi matanong ng reporters tungkol sa isyu ng mommy niya.

Pero may nakasingit pa rin ng tanong kung wish din ba ni Janella mapanood ng mommy niya ang kanyang pelikula.

“Hopefully. Sana mapanood niya,” tipid na sagot ng Kapamilya young actress.

Kaagad na may humarang at nakiusap na huwag nang sundan ng tanong tungkol sa kanyang ina.


Continue reading below ↓

Nagpapasalamat na lang sina Janella at Elmo sa suporta ng mga kaibigan nila sa ABS-CBN.

Dumating din kasi kagabi sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Darren Espanto na tinapos ang buong pelikula.

Si Janella ang nag-invite sa kanila at mabuti na lang daw wala silang schedule kaya sila nakarating.

Todo rin ang suporta ng ElNella fans na nangakong magpapa-block screening silang lahat.

So far, mahigit 40 block screenings na raw ang naka-schedule, kaya tuwang-tuwa naman sina Elmo at Janella.

Bukas na ang showing ng My Fairy Tail Love Story, magkasama raw ang dalawang manonood para i-celebrate na rin ang Valentine’s Day.

Meron pa raw pa-surprise si Elmo kay Janella.

JERRY OLEA: Ngayong Martes ng gabi, Pebrero 13, ang Valentine concert ni Peabo Bryson na Love Rocks sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Panauhin dito si Jenine Desiderio.

Manonood ba rito si Janella?

NOEL FERRER: Ayokong mag-comment about Jenine Desiderio, lalo na in connection with My Fairy Tail Love Story, which is a project of my friend Perci Intalan and IdeaFirst and Regal.

Continue reading below ↓

As far as I know, ayaw raw magamit ni Jenine sa publicity at baka kung ano na namang pasabog ang marinig natin sa kanya, that is totally unrelated to the movie.

So leave it at that!

Good vibes ang pelikula. They wouldn’t need anything to distract the audiences’ attention to the good that it can offer.

JERRY OLEA: Nag-PM sa amin si Jenine upang ipaalam na mula 6 PM kagabi ay nasa band rehearsal siya, kaya hindi siya nakapunta sa premiere ng My Fairy Love Tail Story.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results