Renewed friendship nina Sharon Cuneta at Kris Aquino, walang bahid na user-friendly

Feb 15, 2018

JERRY OLEA: Expressive na sina Sharon Cuneta at Kris Aquino sa social media kaugnay sa kanilang "renewed friendship."

Noong bagets pa si Kris, vocal siya sa pagiging tagahanga nina Sharon at Gabby Concepcion.

Sa showbiz, kapwa nakarelasyon nina Sharon at Kris sina Gabby at Robin Padilla.

Pero eventually ay nagkahiwa-hiwalay rin ang ‘pairings’ na mga iyon.

May ibang asawa na si Gabby. May Mariel Rodriguez si Robin. May Senator Kiko Pangilinan si Sharon.

Nakipag-friendzone kay Mayor Herbert Bautista si Kris.

Noong kumandidato si Noynoy Aquino, sumuporta sa kanya si Mega.

In turn, sumuporta si Kris kay Sharon sa movie nitong Mano Po 6: A Mother’s Love (entry sa MMFF 2009).


Continue reading below ↓

May mga kaibigang nawala sa kani-kanyang buhay, hanggang iyon na nga, na-renew ang init ng kanilang friendship.

Nakapagpapayo sila sa isa’t isa. Alam nila ang kani-kanyang tibay at kahinaan.

Secure sila sa kani-kanyang katayuan sa buhay, at ang samahan nila ay walang bahid na user-friendly.

NOEL FERRER: Sa panahon ng Feb-ibig, love love love na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.

Sana maging tried and tested na ang friendship na ito, katulad nina Sharon-Juday at ang renewed friendship nina Sharon-ZsaZsa.

GORGY RULA: Sorry po. Hindi ko maalala kung nagkaroon ba ng hidwaan sina Sharon at Kris.

Kung meron man, gaano ba kalalim kaya naging isyu ang renewal ng friendship?

Pero kailangan nga ni Kris ng mga tapat na kaibigan, pero puwede naman siguro sila magtawagan, hindi sa social media.

Mabuti na lang at marami ang pumatol, dahil kung wala, matakot na sila.

Mas bilib pa ako kung gaano katotoong kaibigan si Willie Revillame kay Kris, dahil hanggang ngayon ay inaayos pa rin niyang matuloy ang show ni Kris sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Nabanggit noon ni Willie na willing siyang ipag-produce ng show si Kris kapag pumayag na ang GMA-7.

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Kris Aquino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results