Mark Bautista, bumanat ng Barry Manilow songs; Ai-Ai, natanso sa guwapong borta

Feb 15, 2018

GORGY RULA: Medyo nabitin kami sa performance ni Mark Bautista nang mag-guest ito sa Love Wins concert ni Joanna Ampil na ginanap sa BGC Arts Center kagabi, February 14.

Mas gusto pa sana naming marami pa siyang kakantahin, pero nakadalawang kanta lang siya.

Feel na feel ng kontrobersiyal na balladeer ang first song niyang "Corner in the Sky" at pati sa duet number nila ni Joanna.

Nag-react ang audience nang kinanta nilang dalawa ang Barry Manilow songs na "Even Now" at "Somewhere Down The Road."

Bakit ba mga kanta ni Barry Manilow?

Tipid din ang mga pahayag ni Mark kung saan nagpasalamat siya sa lahat na mga taong sumuporta at nirespeto ang mga inilabas niyang rebelasyon sa kanyang libro.

Sabi lang niya, “Thank you so much for the love and for the respect.”

Pagkatapos niyang mag-perform ay kaagad na umalis si Mark.

May ilang reporters at TV crew na nag-abang sa kanya sa labas para kapanayamin, pero tumanggi ito.

Continue reading below ↓

Mahigpit daw siyang binilinan ng Viva na huwag siyang magsalita lalo na kapag tungkol sa kanyang libro.


JERRY OLEA: Sold out ang Valentine concert ni Ai-Ai de las Alas kahapon, kung saan panauhin si Piolo Pascual.

“Punung-puno ang Palacio de Maynila. Totoong sold out!” sabi ng kaibigan natin, na ipinadala sa PEP Alerts ang pictures ng crowd bilang patunay.

Continue reading below ↓

“Walang umalis hanggang hindi natatapos ang palabas. After ng portion ni Papa P, more pa nang more ang mga tao.”

Pakilig lang si Ai-Ai kay Piolo. Walang hipuan.

Ewan kung epekto ito ng pagiging Papal awardee ni Mrs. Sibayan, o quota na siya sa mga kalabit ng kanyang mister.

Pinakamabentang segment ang sing-along.

“Bongga ang audience participation,” lahad ng ating kaibigan, na pinagpipitaganan sa kanyang larangan.

“Sing-along na may okrayan. Kinuha ni Ai-Ai yung naispatang guwapo. Borta. Lalaking-lalaki.

“Sukat ba namang nag-out bigla. Nagladlad!

“Naloka ang lahat!

“Na-inspire yata ang hitod kay Mark Bautista!”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Bilang nagpapakatotoo naman lagi ang PEP Alerts, hindi man sold out ang Love Wins concert ni Joanna Ampil, maayos naman ang audience turnout.

Waging-wagi rin ito in terms of sponsors and bulk sales ng mga halos alta at culturati na nanood.

Quite a feat para sa isang show na nai-put up sa napaka-friendly rate at limitadong araw—halos isang buwan lang.

“Simpleng elegante” ang staging ng concert na walang busy at nakaka-distract na LED video designs.

Instead, classic at ibinalik ang world class na pagtatanghal, na talaga namang ramdam ng bawat isa ang nota at salitang kinakanta.

Talagang tigda-dalawang numbers lang ang mga guest performers, pero markado lahat—from Joaquin Valdez who did the “Miss Saigon” duets and Arman Ferrer who did Robert Arevalo’s “Hindi Simple Ang Buhay” song from Ang Larawan.

Sulit din dahil ang international singer na si Mig Ayesa ay naki-jam din sa closing number na “Seasons Of Love” mula sa Rent.

Continue reading below ↓

At si Joanna Ampil, ito na yata ang pinaka-significant na concert niya sa Pilipinas.

Ang linis ng boses niya at ang husay ng performance niya talaga kagabi.

Kaya hindi mapigilang mag-"more" ng mga tao after her Dream Roles medley with “As If We Never Said Goodbye” from Sunset Boulevard, “Listen” from Dream Girls, at “Defying Gravity” from Wicked.

Muli, maraming salamat sa mga nakapanood. Hinahanda na ang susunod na produksyon na magtatampok ng mahuhusay na world class Filipino artists.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results