Mag-guest kaya si Ahron Villena sa concert ni Kakai Bautista?

Feb 17, 2018

JERRY OLEA: Magpapayanig si Kakai Bautista sa 15th anniversary concert niyang KXV sa Abril 6, 8:00 PM sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

More and more ang birit songs dito ng Dental Diva, at hindi mawawala ang anthem niyang "Bakit Nga Ba Mahal Kita."

Guests niya rito ang singers na nagmamahal sa kanya.

Ewan kung magge-guest si Ahron Villena. Next week pa lang magsisimula ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nila.

Back-up niya sa pagsayaw ang Hotlegs, at iba’t ibang designer ang magdadamit sa kanya.

Bawa’t segment, iba ang damit niya.

Ang peg ni Kakai—sina JLo, Beyonce at Rihanna.

Humanda kayo!


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Magaling naman talaga si Kakai mag-perform. Dapat lang na magkaroon siya ng sariling concert. Pero parang mahirap niyang sundan ang yapak ni Ai-Ai delas Alas. Wala pa siyang charm kagaya ng kay Ai-Ai. Iba kasi ang mundo rin ni Kakai na nagsimula sa theatre.

Ang isa pang minus points niya, wala siyang ka-PR-PR sa movie press. Namimili lang siya ng mga press na pinapakisamahan.

NOEL FERRER : Nagkaroon na si Kakai ng concert noon sa Music Music na nag-surprise guest pa ang idol niyang Songbird na si Regine Velasquez.

Ang alam ko ay meron uling staging ng “Rak Of Aegis” na ewan ko lang kung kasama pa si Kakai dun, pero sana naman dahil isa siya sa mga orihinal na nagtaguyod ng longest running Pinoy musical na ito.

Sa panibagong concert na ito, sana ay level up na si Kakai. It seems like nag-regress siya nang ibalik ang tambalan nila ni Ahron Villena para sa isang inihahandang pelikula.

Continue reading below ↓

Sana the next steps ought to make her star bigger. Paano kaya?

Read Next
Read More Stories About
Kakai Bautista, Ahron Villena
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results