Dalawang nag-iinarteng aktor, problema ng production staff

Feb 17, 2018

GORGY RULA: Tiyak na malulungkot ang ilang artistang walang trabaho kapag nalaman nila ang kaartehan ng dalawang aktor na biniyayaan ng magagandang programa ng isang malaking TV network.

Si Actor EJ ay okey na okey naman sa mga unang araw ng taping ng drama series na umeere pa rin hanggang ngayon. Pero nitong mga nakaraang araw, nagtataka sila sa pagbabago ng attitude nito, na parang gusto niyang umalis na sa seryeng ito.

Minsan sa taping nila, diniscuss ng prod staff kay Actor EJ na ang isa sa developments  sa kuwento ay ikakasal sila ng isang aktres na may mahalaga ring role sa kuwento.

Aayusin na sana ang wedding scene, pero dialogue daw ni Aktor EJ ay tipong ganito: "Bakit may pa-wedding-wedding pa? Patayin niyo na lang ako dito!"

Nagulat daw ang buong staff, pati si Direk, sa inasal ni Actor EJ.

Kung may problema raw ito sa set, sana sabihin niya sa EP o kaya'y sa direktor.

Continue reading below ↓

Ano raw ba ang di nagustuhan ni Actor EJ at gusto na niyang mapatay sa kuwento?

Heto naman ang drama ng isa ring aktor na isa sa mga bida ng isang seryeng kasisimula lang.

Kahit na ma-PR si Aktor, naloloka na raw ang production staff dahil ang dami raw complaints nito.

Hindi na raw nagtataka ang ibang staff dahil kilala na nila itong si ma-PR na Aktor na maraming kadramahan at mahirap daw talaga katrabaho.

Pero bakit hanggang ngayon, ganun pa rin daw ito? Walang pagbabago?

Parang mas lumalala pa nga raw dahil, minsan, pinapa-pack up na lang basta ang sarili.

Hanggang 12 am daw kasi ang cut off nito. Pero minsan, 11 pm pa lang, naghahakot na ng gamit ang mga alalay niya para makalayas na agad si Aktor.

Kapag hindi raw niya type mag-taping, basta na lang lalayas kahit may natitira pang eksenang kukunan.

Bakit daw ganun ang ugali nitong dalawang aktor na ito, gayung ang iba ay matagal na natetenggang walang trabaho?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Kapwa pamilyado ang dalawang aktor.

Nagre-rate ang kani-kanyang TV series, at maganda ang kani-kanyang papel.

Nakakalungkot ang tsikang nag-iinarte sila dahil bilang mga beteranong artista ay dapat maging huwaran sila ng mga baguhan.

Ano kaya ang hindi nagustuhan ni Actor EJ at mas gusto niyang patayin na ang karakter niya sa primetime teleserye?

Si Aktor na ma-PR, sadyang malakas ang hatak sa televiewers.

Kaya kahit noon pa e sinusumpong na siya ng saltik, lagi pa rin siyang nabibigyan ng magandang proyekto.

NOEL FERRER: Baka naman these two actors were trying to test their power by throwing their weight around.

Sa tingin niyo ba, kung tototohanin ng production na patayin ang characters nila, makakapalag pa sila?

Conversely, will the production have the balls to write off their characters?

Tingnan natin kung sino ang mas mawawalan at kung sino ang magwawagi.

Kung sino man ang mag-hardline, yun probably ang talo!

Continue reading below ↓

Knowing how these things work, they will most probably reach a good compromise!

Everybody happy!

Read Next
Read More Stories About
blind item, pep blind item
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results