Mananalo na kaya sa wakas si Iza Calzado ng PMPC Star award?

Feb 18, 2018

GORGY RULA: Si Iza Calzado, mula sa pelikulang Bliss, ang matunog na magwawagi bilang Best Actress sa 34th Star Awards for Movies na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila mamayang gabi.

Isa rin si Iza sa maghu-host kasama sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Julia Barretto, Enchong Dee, at Xian Lim.

Kung mangyayari nga ito, tiyak na ikatutuwa ng aktres dahil finally, nakakuha na rin siya ng award mula sa PMPC (Philippine Movie Press Club).

Ilang beses na ring na-nominate ang Kapamilya actress sa mga nakaraang Star Awards pero hindi pa rin niya nasusungkit ang Star trophy, baka itong awarding na lang nga mamayang gabi.

May narinig din kaming posibleng winners sa acting category ay galing sa mga indie films.

Dalawang indie actor at isang beteranang aktres daw ito. 'Yan ang aabangan natin mamayang gabi.

Isa pa sa highlights mamayang gabi ay ang tribute na ibibigay kay Direk Maryo J. delos Reyes at ang opening number, kung saan kasali si Mark Bautista.

Continue reading below ↓

Totoo bang aatras na sana si Mark dahil umiiwas daw ito sa mga gustong mag-interview sa kanya? Pero nangako naman daw ang Airtime Marketing na nag-produce ng Star Awards na pababantayan nila para hindi ito ma-ambush interview.

NOEL FERRER: Kung manalo man si Izadora ay deserving naman siya para sa Bliss (na una siyang pinarangalan sa Osaka International Film Festival) at ito ang kanyang magiging kauna-unahang award mula sa PMPC. Pero anything can still happen hanggang sa awards night mismo, 'di ba?

Kaya tulad ng sinabi ng isang aktres, “You can never (can) tell!”

Kaya wait na lang natin mamaya ang mahiwagang resulta.

JERRY OLEA: Ika-34 taon na ng Star Awards for Movies mamaya, at hindi na ako nagugulantang sa choices ng PMPC.

Keber kung more and more ang tabla!

E, ano kung nagwawagi yung nominasyon pa lang ay pinagtitikwasan na ng kilay?

Hiwalay kung hiwalay na ang categories para sa mainstream at indie, na mahirap mawari kung bakit.

Continue reading below ↓

Hindi naman nila peg ang Oscars.

Natutuwa ako sa pagkakaloob nila ng award kay Direk Maryo J. de los Reyes na pumanaw kamakailan.

Pinarangalan nila si Direk Maryo ng Dekada Award (2003-2013) noong 2014, at special award na Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera noong 2015.

Teka! Meron din bang IN MEMORIAM segment ang PMPC Star Awards mamaya?

Read Next
Read More Stories About
Iza Calzado, Star Awards
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results