Iza Calzado, nagwagi na rin sa wakas sa PMPC Star Awards for Movies

Feb 19, 2018

JERRY OLEA: Best movie actress si Iza Calzado (Bliss) sa 34th PMPC Star Awards for Movies sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, kagabi, February 18.

“Sixteen years ko itong hinintay!” madamdaming bulalas ni Iza.


Best movie actor si Raymond Francisco (Bhoy Intsik), at buong ningning niyang inihayag na crush niya ang kalaban sa nasabing kategorya na si Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back).

Continue reading below ↓

Umirap ba ang presenter na si Julia Barretto?

Best movie supporting actress si Odette Khan (Bar Boys), at inialay niya ang kanyang tropeyo kay Miriam Defensor-Santiago at sa mga mabubuting abogado.

Si Miriam ang peg ni Odette sa kanyang papel sa nasabing pelikula.

Best movie supporting actor si Arnold Reyes (Birdshot), at ibinahagi niya ang award sa co-star na si Ku Aquino, na nominated din sa nasabing kategorya.

Best movie ang Kita Kita.

Ang director-screenwriter nito na si Sigrid Andrea Bernardo ay nanalong best director at best screenwriter.

Ibinahagi ni Sigrid ang best screenwriter award sa National Artist na si Rolando Tinio (Ang Larawan), na kinabog niya sa kategoryang iyon.

Best indie movie ang Changing Partners. Natamo rin nito ang awards para sa best indie movie director (Dan Villegas) at best indie movie screenwriter (Lilit Reyes & Vincent de Jesus).

NOEL FERRER: Nanginginig si Iza sa backstage nang tawagin ang pangalan niya.

Continue reading below ↓

She got emotional kasi, every time na lang kukunin siyang host or performer sa Star Awards ay hindi siya makahindi.

Ito ay dahil parte ang yumaong tatay niyang si Lito Calzado bilang stage director nito noon at parang pamilya na ang turing sa kanya ng grupo ni Tita Tessie Celestino.

Pero nabigyan na si Iza ng parangal ng lahat ng award-giving bodies, except for the PMPC Star Awards for Movies.

Kaya naman emotional ito at sinabing “Akala ko, hindi niyo ako mahal.”

“Pinarangalan ako sa Osaka International Film Festival para sa Bliss, pero iba pa rin ang bigyan ka ng karangalan at pagpapahalaga sa sarili mong bansa,” sabi ni Iza, who spent time bonding with her colleagues backstage lalo na ang kanyang magiging ninang sa kasal—ang proud na proud sa kanyang si Judy Ann Santos-Agoncillo.

JERRY OLEA: Sa opening number ay kinanta ni Mark Bautista ang theme song ng Deadma Walking.

Continue reading below ↓

Si Piolo Pascual ay isa sa producers ng Kita Kita (itinanghal na best movie), pero waley siya.

Kahit nang pagkalooban ng FDCP ng Camera Obscura ang Kita Kita sa Film Ambassadors Night noong Pebrero 9 sa Sampaguita Gardens ay hindi dumalo si Papa P.

Tuwang-tuwa ang KimXi fans na “magkatambal” muli ang kanilang idols, kahit bilang presenters/hosts lang ng awards night.

Suportado rin ang JoshLia ng kanilang mga tagahanga, lalo na nang tanghalin silang Movie Loveteam of the Year para sa Love You To The Stars and Back.

Tinalo ng JoshLia ang tambalan nina KathNiel (Can’t Help Falling in Love), LizQuen (My Ex and Whys), McLisse (Ang Panday), at MayWard (Loving in Tandem).

Pakiwari namin ay sa kategoryang ito pinakalamalakas ang tilian at palakpakan ng fans.

GORGY RULA: Mula sa mga indie films nagmula ang mga artistang nagwagi sa acting category.

Kaya, eto na nga ang sinasabi ng ilang taga-industriya na dapat wala nang division ang indie at mainstream.

Continue reading below ↓

Nag-i-indie na rin naman ang mga mainstream actors, at pati mga malalaking film outfit ay gumagawa na rin ng indie films.

Pero in fairness naman sa PMPC, okay ang choices nila ngayon kahit may mangilan-ngilang award na nakakataas ng kilay.

Pero yun na yun! PMPC is PMPC!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results