Darren Espanto, patuloy ang pagsikat kahit nasa awkward stage

Feb 20, 2018

JERRY OLEA: Sa unang season ng The Voice Kids noong 2014, winner si Lyca Gairanod, at runner-up si Darren Espanto.

Sa 28th PMPC Awards for TV noong 2014, wagi si Lyca na Best New Female TV Personality para sa pagganap niya sa "Red Envelope" episode ng MMK.

Sa 34th PMPC Star Awards for Movies last Sunday, February 18, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, tabla bilang Movie Child Performer of the Year sina Marco Masa (Tatlong Bibe) at Julio Cesar Sabenorio (Guerrero).

Hindi kasama sa walong nominado si Lyca, na nasa cast din ng Tatlong Bibe.

Kinanta ni Darren sa Star Award for Movies ang "Dying Inside", at ang lakas ng sigawan at palakpakan ng kanyang fans.

Meron pang nagmura nang pagkalutung-lutong habang tumitili-tili sa kanya.


Continue reading below ↓

Ngayong Martes ng tanghali, Pebrero 20, tanghali ay tampok si Darren sa opening number ng It’s Showtime, at sakdal husay pa rin siya.

Patuloy ang pagsikat ni Darren.

Si Lyca na pantapat daw noon kay Ryzza Mae Dizon, relevant pa ba?

NOEL FERRER: Mahusay naman talaga 'yang si Darren, 16, na hindi ko na masabi kung bata pa ba o binata na kasi parang nasa awkward age na siya ngayon.

Nasaksikhan ko kung paano naging back-up dancers/performers lang niya ang ibang performers sa number niya sa Star Awards for Movies.

Iba naman kasi ang husay at showmanship ni Darren.

Ang kailangan niya lang ngayon ay isang original hit song na magiging anthem niya.

Naaalala ko siya sa kanyang kakaibang interpretation ng “Flashlight” at ito ngang “Dying Inside.”

He most definitely need his own original anthem.

And if he acts his age, like the teenager na si JK Labajo who was linked to teleserye partner Andrea Brillantes, hindi kaya mas interesting ding malaman kung may napupusuan na si Darren?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mabuti pa si Darren, naka-focus sa career at wala muna sa isip niya ang mga girls.

Itong si JK, di ba, nababaliw dati yan sa Asia's Next Top Model Maureen Wroblewitz? Ngayon, kay Andrea na naman?

At least, kahit kilig-kiligan si Ryzza Mae kay Ruru Madrid, magaling naman siya sa school, at gusto raw talaga niyang makapagtapos sa Culinary Arts para maging magaling na chef.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results