Lovi Poe, tinalbugan ang akting nina Erich at Tom sa The Significant Other

Feb 20, 2018

GORGY RULA: Grade B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa pelikulang The Significant Other ng Cineko Production ay idinirek ni Joel Lamangan.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, si Lovi Poe raw ang pinuri nang husto ng mga nag-review. Napakagaling daw niya sa naturang pelikula.

Ang dami raw niyang eksenang lumutang siya nang husto at tinalbugan sina Tom Rodriguez at Erich Gonzales.

Nabanggit naman talaga noon pa ni Direk Joel na dito sa The Significant Other siya napabilib nang husto kay Lovi.

Magkakaroon ng premiere ngayong gabi, February 20, ang naturang pelikula sa Cinema 2 ng Trinoma.

Bukas na ito ipalalabas sa mahigit 160 theaters nationwide.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nabasa ko ang script nito and I’ve seen the film nang i-submit ito sa Metro Manila Film Festival.

Maayos ito at engaging at exciting panoorin.

Good luck sa pelikulang ito ni Direk Joel Lamangan.

JERRY OLEA: Kontrobersiyal ang pelikulang The Significant Other dahil sa sampalan nina Lovi Poe at Erich Gonzales.

Kaabang-abang din dito ang showdown nina Snooky Serna at Dina Bonnevie. Significant!

Na-excite kami sa balak ni Direk Joel Lamangan na pagsama-samahin ang Underage stars na sina Snooky, Dina, at Maricel Soriano sa isang pelikula entitled Overage.

Mga cougar ba ang papel nila rito?

“Inaayos ko pa ang concept,” sey ni Direk Joel.

“Iyong dalawa, ang problema nila, may mga bagets na nanliligaw sa kanila.

“Iyong karakter ni Dina, nagpupunta sa gay bar, kaya galit na galit ang kanyang mga anak.

“Si Maricel, separada, at may nanliligaw sa kanya na 26years old.

Continue reading below ↓

“'Tapos, si Snooky, tumandang dalaga. Meron din siyang problema.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results