Coco Martin, hindi pa rin nakakalimot kay Direk Brillante Mendoza

Feb 22, 2018

JERRY OLEA: Hinubog ni Direk Brillante Mendoza ang kahusayan ni Coco Martin sa mga pelikulang Masahista (2005), Tirador (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009).

Kailan kaya niya ididirek muli si Coco sa pelikula?

“Si Coco naman, nagkikita pa rin kami,” sabi ni Direk Brillante nang makausap namin sa presscon ng Sinag Maynila 2018 filmfest kahapon, Miyerkules, Pebrero 21, sa The Block, SM North EDSA, QC.

“Nagtatawagan pa rin kami hanggang ngayon. Wala naman kaming nagiging problema.

“Kaya lang, sobrang busy na niya. Sobrang busy niya talaga.

"Alam mo naman ang trabaho sa TV. Tapos, nagdidirek na rin siya ngayon.

"So, sana, makakita kami ng oras, ‘no? Ng schedule.

“Pero sobrang puno talaga si Coco, itong taong ito, hanggang end of the year na siya talaga. Andami-dami niyang ginagawa.

“Ako rin, may mga naka-line up na ako na hindi naman babagay sa kanya yung mga role.

“Pero I’m sure, one of these days, meron kaming magagawa.”

Continue reading below ↓


Anu-ano yung roles sa mga pelikula niya na hindi bagay kay Coco?

“Either ang bida ay babae, ang bida ay bata, ang bida ay matanda,” sagot ni Direk Brillante.

“Ganun kasi ang mga projects ko na naka-line up ngayon.”

NOEL FERRER: Nakaka-miss talaga si Coco na gumagawa ng pelikula with his mentor Brillante Mendoza.

Continue reading below ↓

Nakaka-miss din siya na nag-a-attend ng international film festivals.

Oh well, been there done that naman na siya sa mga ganyan.

Pero sana, pagkatapos ng Ang Probinsyano, makagawa naman siya ng pelikulang magbabalik sa kanya bilang aktor ng dekada. Back to his roots talaga.

Pero ngayon, focus na muna siya sa pagiging Hari ng Teleserye, sana ma-reclaim niya muli ang pagiging Hari ng Indie rin.

GORGY RULA: Kapag si Coco ang pinag-uusapan, may bonggang one liner si Direk na pang-off the record, eh.

Yun ang bonggang line na pinasikat ng isang Regal movie.

Sa totoo lang, yun ang isa sa magandang ugali ni Coco, hindi talaga siya nakakalimot sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay at career.

Ang laking bagay pa yung ginagawa niyang pagbalik-sigla ng career ng mga datihang action stars. Mula sa dating Senator Lito Lapid hanggang sa character actor na si Amay Bisaya.

Kaya nga si Coco na ang kinikilala nilang bagong FPJ.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Coco Martin, Brillante Mendoza
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results