Kapuso actress, manghihinayang pag di natuloy ang pelikula kasama ang box-office star

Feb 22, 2018

NOEL FERRER: Panghihinayangan ng isang Kapuso actress kung sakali ang hindi pagkakasali sa pelikula ng isang namahingang box-office star dahil sa mahigpit na rule ng kanyang network na ang TV rights ay dapat mapasakanila.

Nakaabang lang ang isang Kapamilya young star na gusto ring makasama ng main star ng pelikula at mahalaga ang papel nito dahil 80 percent ng pelikula ay magkasama sila bilang mag-ina.

Let us see kung pahihintulutan ng Kapuso network ang artista nila nang walang strings attached. Sayang if ever.

Naalala ko tuloy si Thea Tolentino. Parang ganito rin ang nangyari sa kanya sa isang Regal film.

Hindi na lang siya kinuha sa isang role dahil hinihingi rin nga ang TV rights ng kanyang pelikula.

Nakoooow! Pampalaki pa naman sana ito sa mga Kapuso stars.

JERRY OLEA: Ibinalandra ng isang respetadong direktor sa Facebook ang pakiusap niya sa isang kilalang movie producer para sa restoration ng isang landmark film na siya ang nagdirek.

Continue reading below ↓

OK lang kay kilalang movie producer na ma-restore ang kalidad ng landmark film.

“Ang problema, iyong rights, mapupunta sa kanila. Mawawala ang rights ko sa restored version ng pelikula na ako ang nagprodyus,” hinaing ng kilalang movie producer.

Masalimuot minsan ang usapin kaugnay sa rights sa pelikula. May mga pagkakataon na masyadong restrictive.

Ganyan ang kalakaran sa ilang indie film festival ng bansa, di ba?

Iyong rights sa entries, nahahawakan ng filmfest organizer, lalo na kung may “seed money” na sangkot.

Walang ganyang restriction sa Sinag Maynila 2018, ayon kay Sir Wilson Tieng na organizer ng naturang filmfest.

Wala silang kinakamkam na karapatan sa mga kalahok na pelikula—full-length man, short film, o dokumentaryo.

Gusto nilang maghatid ng filmfest na ang filmmakers ay tunay na malaya.

GORGY RULA: Bakit ang concern lang nila ang right nila para kumita? Paano naman ang right ng artista na mabuhay at lalong bumuti ang kanilang career?

Continue reading below ↓

Unfair ito sa kanilang artista na mabibigyan pa sana ng mas magandang break. Hindi siya tama!

Sayang pa naman ang pagsasama ng young actress at ng malaking celebrity na ginagaya niya. Sobrang nakakapanghinayang!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results