Kathryn Bernardo, napiling ambassador ng Girl Scout of the Philippines

Feb 23, 2018

GORGY RULA: Kahapon ng umaga, February 22, ay pormal na ipinakilala si Kathryn Bernardo bilang Ambassador ng Girl Scout of the Philippines.

Ginanap ang naturang launching sa Library ng Quezon City Hall kasama ang mga opisyales ng GSP.



Ipinadala sa PEP Alerts ng isa mga close friends at supporters ni Kathryn na si Ogie Rodriguez ang mga kuha roon na kung saan mainit na tinanggap ang Kapamilya young actress ng mga officers at directors ng Girl Scouts of the Philippines.

Continue reading below ↓


Text sa amin ni Ogie, “Kinuha si Kathryn bilang Ambassador ng GSP dahil sa wholesome image niya, kabaitan, at pagtulong sa kapwa.

“Tuwang-tuwa ang mga officers and directors ng GSP sa kabaitan ni Kath po.

"Pinagkaguluhan si Kath at maayos na pinagbigyan ang mga gustong magpa-picture with her."

Continue reading below ↓

Sinamahan daw si Kathryn ng buo niyang pamilya bilang suporta sa pagpapakilala at sa bagong responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.


NOEL FERRER: Kredibilidad, integridad - ‘yan ang kunderasyon ng mga kinukuhang ambassador lalo na sa mga organisasyong high profile at may matatag na record at history.

Continue reading below ↓

Sana mapatunayan at mapatangawanan ni Kathryn ang mga ideals and principles ng Girl Scouts of the Philippines.

Mainam din na may matatag na paggabay sa kanya ang kanyang magulang sa pagtuturo ng kahalagahan ng ganitong ugnayang sibiko at patuloy na edukasyon.


Si Liza, Nadine, Julia at Janella na kapanabayan ni Kathryn, ano kayang cause at organisasyon ang kakatawanin at babagayan nila?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Karangalan ni Kathryn na maging pambansang ambassadress ng Girl Scouts of the Philippines.

May kaakibat siyempre itong responsibilidad.

Ang asosasyong ito ay itinatag ni Josefa Llanes Escoda sa Maynila “upang makatulong sa mga batang babae na makamit nila ang mga simulaing pangkababaihan at maihanda sila sa mga pananagutan sa tahanan, sa bansa, at sa pandaigdigang pamayanan.”

Tinagurian si Josefa na Florence Nightingale ng Pilipinas.

Ayon sa Wikipedia, ginampanan ni Timmy Cruz ang life story ni Josefa sa Bayani series ng ABS-CBN noong 1998.

Sa Setyembre 20, 2018 ay 120th birth anniversary ni Josefa.

Panahon na para isadula muli ang buhay niya, this time sa MMK sa pagganap ni Kathryn.

Read Next
Read More Stories About
Kathryn Bernardo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results