Direk Brillante Mendoza, wala pang follow-up project para kay Jaclyn Jose

Feb 23, 2018

JERRY OLEA: Natawa si Direk Brillante Mendoza nang usisain namin tungkol kay Jaclyn Jose.

Totoo bang “naglambing” sa kanya noon si Jaclyn na isama naman niya ito sa mga pelikula niya?

Bago pa ito gawin ni Jaclyn ang Ma’ Rosa (2016) na idinirek ni Brillante.


Continue reading below ↓

“Oo!” natatawang sambit ni Direk Brillante nang makausap namin kamakalawa, Pebrero 21, Miyerkules, sa The Block SM North EDSA, matapos ang open forum ng Sinag Maynila 2018 filmfest.

“Actually nga, nagtatampo na ‘yan. ‘Nakalimutan mo na ako...’ ganyan-ganyan.

“Lahat naman sila—si Julio [Diaz], si Jaclyn [Jose], si Cherry Pie [Picache], si Uge [Eugene Domingo]—lahat naman ‘yan na nakasama ko, naging kaibigan ko.

“The nice thing with us kasi, kapag gumagawa ka ng pelikula, we end up being close friends. Even with Juday [Judy Ann Santos], ‘no?

“Kasi, alam mo yun, masaya yung collaboration. So, ayun.

“Pero syempre, katulad nga ng sabi ko kay Coco [Martin], hindi ibig sabihin na hindi na kami gumagawa ng pelikula, hindi na kami magkaibigan, hindi na kami nag-uusap.

“Even with Jane [Jaclyn], from time to time, nagte-text kami, nag-uusap kami.

Continue reading below ↓

"Among many other things na pinag-uusapan namin, hindi lang pelikula.

“So, minsan talaga, may bumabagay. At ayoko naman talagang ipilit lang sila kung hindi naman bagay.

“Kasi, hindi rin maganda yun, di ba?”

Wala pa siyang follow-up project para kay Jaclyn matapos itong mag-best actress sa Cannes?

“Wala sa ngayon. Wala pa kami sa ngayon,” matamang pakli niya.

NOEL FERRER: Maganda talaga ang collab—buzzword ngayon ng mga millennials sa “collaboration”—at ang pelikula ngayon, tulad ng teatro rin ay highly collaborative na ngayon.

Bukod sa pareho na silang members ng U.S. Academy, maganda at ipinagmamalaki natin ang pamamayagpag ni Lav Diaz sa Berlin at si Brillante Mendoza naman sa Cannes Film Festival.

Sana’y makagawa pa sila ng maraming pelikulang kikilalanin sa ibang bansa and, at the same time, accessible din at susuportahan ng ating mga kababayan.

JERRY OLEA: Napahalakhak si Direk Brillante nang usisain ko kung sino ang paborito niya sa mga artistang naidirek niya.

Continue reading below ↓

“Ang hirap naman niyan! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Siyempre, lahat naman sila,” sabi ni Direk Brillante.

“Alam mo, kasi... ahh... karamihan talaga ng mga artistang nakakatrabaho ko, nasu-surprise sila.

“Kasi, parang... kasi kami, ang ano namin... ako, lalung-lalo na ako, kahit si Ate Guy [Nora Aunor] pa ‘yan, ang mga trato ko sa mga artista, ay hindi talaga‘yung parang superstar or artista, kundi collaborator.

“Nagko-collaborate kami. And nirerespeto ko talaga yung talent nila. Nirerespeto ko talaga yung kanilang pagiging artista.

“Kasi, hindi naman sila magiging ganyan kung wala silang galing.

"So, as much as possible, ini-involve ko talaga sila sa proseso, sa filmmaking process.

“And they like that. Kasi... kahit nga yung mga lola, sina Anita Linda, sina Rustica Carpio, sabi nila sa akin, never in their lives na nagkaroon sila ng ganung klaseng experience.

“Na ang artista pala ay puwedeng mag-suggest, magsalita, o gawin yung gusto niya sa set.

Continue reading below ↓

“Kasi, all this time, ‘Nakatali kami. Nakakulong kami. Kung ano lang ang sabihin ng direktor, na cameraman, ng ganito, di ba?’”

Organic ang pagdidirek niya...

“Yes! Oo!” bulalas ni Direk Brillante.

“Dapat, ganun. And nae-enjoy nila. They feel ano... they feel respected, yung kanilang craft.”

Maraming artista ang nangangarap na magpadirek sa kanya.

“Ako naman, I’m open to work with anyone. Hindi naman ako nakaano lang talaga.

“It just so happens na... alam mo kasi, yung style ko rin kasi ng paggawa ng pelikula, kapag kinunan ko ang isang artista, gusto, dire-diretso.

“At alam ni Allen [Dizon] yun. Alam ni Juday yun. Willing akong ano... pero dapat, dire-diretso.

“Di kasi pwede iyong kapag... ‘Di ako available sa ganito. Magsu-shoot tayo next week. Next month. Ganito. Ganyan.’

“Gusto ko kasi, i-dedicate nila yung oras nila. Kasi, para rin sa kanila yun, eh.

Continue reading below ↓

“Para tuluy-tuloy yung... alam mo yun, characterization nila. At nakakatulong nang malaki yun sa artista.

“Na wala talaga silang maraming... alam mo yun, maraming iniisip.

“Alam mo yun, naka-concentrate at naka-focus lang sila sa ginagawa nilang pelikula,” pahayag pa ni Direk Brillante.

Read Next
Read More Stories About
Brillante Mendoza, Jaclyn Jose
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results