Kontrobersiyal na aktres at dalawang mayamang negosyante, tatlo magkasalo ang drama?

Feb 23, 2018

GORGY RULA: Hinanap ang kontrobersiyal na aktres sa isang malaking pagtitipon ng actor-politician kamakailan lang.

Sabi ng isang close friend ng actor-politician at ng asawa niya, sadyang hindi raw inimbita si kontrobersiyal na aktres.

Unti-unti na palang lumalayo ang ilang malalapit na kaibigan nitong kontrobersiyal na aktres dahil sa patuloy niyang pakikipagkita sa isang maimpluwensiyang businessman.

Kilalang-kilala rin ang maimpluwensiyang businessman, na kung saan ilang beses ding na-link sa ilang magagandang celebrities.

Napag-uusapan lang lately ang madalas na pagkikita nitong kontrobersiyal na aktres at ng maimpluwensiyang businessman dahil alam naman ng lahat na may karelasyon ang kontrobersiyal na aktres sa isa ring mayamang negosyante.

Naguguluhan ang lahat na nakakakita kay kontrobersiyal na aktres na sweet na sweet sa maimpluwensiyang businessman.

Merong nakikitang nagsusubuan sila ng pagkain. Basta may malisya ang mga kilos nila kapag nakikita silang magkasama.

Pinagsasabihan na raw itong si kontrobersiyal na aktres ng close friends niyang tigilan na ang kabaliwang ‘yan!

Continue reading below ↓

Hindi na magandang tingnan, lalo na’t ang drama naman nito ay masaya raw siya at mahal na mahal niya ang kasalukuyang karelasyon.

Pero matigas daw ang ulo ni kontrobersiyal na aktres.

Hindi nakikinig sa payo ng mga kaibigan, kaya ang ilan ay lumalayo na lang sa kanya.

Kaya hindi na siya naiimbita sa mga pagtitipon o anumang malaking event ng mga close friends niya, isa na nga rito ang asawa ni actor-politician na nag-host ng isang malaking pagtitipon kamakailan lang.

NOEL FERRER: Parang may consent naman yata ang partner ni Aktres sa pagiging Tatlo Magkasalo nila ng rich businessman dahil ilang beses ko na silang nakikitang magkakasama sa mga gatherings, film screenings, at concerts in full view of the public.

Medyo nakakailang sa mga nakakakita sa kanila in public places, pero kung silang may katawan ay keber sa sasabihin ng madla, tanging sila lang ang nakakaalam ng kanilang “unique arrangement.”

Continue reading below ↓

As to the misis ng politiko, ok na rin na umiwas sa kontrobersiya at gulo, lalo pa’t mahirap talagang gumalaw sa circle ng mga taga-showbiz at mga politiko!

Parang any moment, kapag hindi naagapan ay may sasabog na iskandalo!

JERRY OLEA: Malalim ang pagkakaibigan ng kontrobersiyal na aktres at maimpluwensiyang businessman.

Buo ang tiwala ng maimpluwensiyang businessman sa kontrobersiyal na aktres.

Eh, ano kung super-sweet ang kontrobersiyal na aktres sa mahal niyang kaibigan?!

Sa dami ng problemang kinakaharap ng ating bayan, maaaliw sina Aling Tacing at Tiyo Paeng kapag sumambulat ang eskandalo rito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results