Jolo Revilla, itinangging kasal na sila ni Jodi Sta. Maria

Feb 23, 2018

GORGY RULA: "Naku! Hindi pa kami kasal," sagot ng Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang tinanong namin kung kasal na ba sila ni Jodi Sta. Maria.

Matagal na raw na "asawa" ang tawagan o lambingan nilang dalawa.

Alam naman daw natin kung bakit hindi pa sila puwedeng magpakasal.


Continue reading below ↓

Ngayon lang naging open si Jolo sa relasyon nila ni Jodi dahil sinabi na rin ng Kapamilya actress sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda na si Jolo ang nasa puso niya.

Magmula nun, in-open na ni Jolo ang Instagram account niya, hindi na ito naka-private.

Itinanggi rin ni Jolo na nagli-live in sila ni Jodi.

Madalas lang daw ang pagkikita nila at nagba-bonding kasama ang kani-kanilang anak.

Yun pa nga raw ang isa sa ikinatutuwa niya, ang closeness ni Jodi sa anak niyang si Gab.

NOEL FERRER: Kasama ang tambalang good vibes lang sina Jodi at Jolo, lalo pa’t parang Michelle-Ogie-Regine, naayos nila ang pakitungo nila sa mga ex nila at mga bagong karelasyon nito, like Iwa Moto and Pampi Lacson.

'Yan na yata ang trend ngayon—like our story about Sharon-Gabby-KC and Aga-Janice-Luigi.

May forgiveness, closure, at pag-move on na.

Inaabangan na lang ang pag-level up ng relasyong Jodi at Jolo dahil ang tagal na rin nila at ang dami na ring pinagdaanan.

Continue reading below ↓

Kaisa nila tayo in hoping and praying for the best for both of them dahil pareho naman silang mabubuting tao.

JERRY OLEA: Sa tamang panahon, maiaayos nila ang mga bagay-bagay.

Andami nang pagsubok ang nalampasan nila all these years, di ba?

Pasasaan ba’t magiging asawa nilang tunay ang isa’t isa!

Hindi lang sa tawagan. Hindi lang sa turingan.

Kundi pati sa papel, at sa basbas ng simbahan!

Read Next
Read More Stories About
Jolo Revilla, Jodi Sta. Maria
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results