Dating sexy actor, "kuripot" sa sexual partner

Feb 25, 2018

JERRY OLEA: Tatlong Buwang Pag-ibig ang namagitan sa sexy male model at dating sexy actor.

“Ako ang umayaw,” sabi ng model, na aminadong bisexual.

“Tuwing nagde-date kasi kami sa labas, ako ang taya. Ayaw niyang mag-share.”

Dalawang beses lang daw silang nagsiping.

“Siya ang top. Pero keri niya ang baliktaran,” sambit ng model, habang sarap na sarap na nilalantakan ang strawberry-flavored taho sa Burnham Park.

Paano sila nagkakilala?

“Naimbitahan ako sa party. Tatlo silang magkakasama,” nakangiting pag-alala ng model.

“Crush ko iyong friend niya. Borta! Pero sinabi agad niya, ‘Akin ito!’

“Eh, sa bahay niya ang party, kaya nasunod siya.

"Masarap naman siya. Iyon lang, kuripot," sambit pa ng model, na nagbida sa limang indie movies.

NOEL FERRER: I wonder, ano kaya ang masasabi ng TV host-dancer-actress na may mga instructional dance video at host ng morning show sa gawain ng kanyang ex-boyfriend na matagal nang nabalitang may mga extracurricular activities sa mga kauri nito?

Continue reading below ↓

Naging kuripot din kaya ito nang maging girlfriend nito ang aktres?

Wala kaya itong planong gumawa rin ng tell-all book? Mag-click naman kaya?

GORGY RULA: Eto na! Nagsisimula na siyang maglabas ng sariling kuwento ng mga karanasan niya dahil ngayon lang siya napapansin.

Nakapagbida na nga naman sa limang indie, hindi pa nakilala. Ngayon pa lang kung sakali.

Lalo na't sinisimulan nang ikuwento ang mga dating karanasan. Totoo man o exaggerated na kuwento.

In-enjoy na nga ang pagsakay sa isyu ng sex scandal, at aliw na aliw sa pag-share ng sariling scandal. Haist!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results