Dingdong Dantes, naghahanda na para sa 2019 elections?

Feb 26, 2018

GORGY RULA: Katatapos lang ng press conference ng Cignal Pay TV na ginanap sa Forum 3 ng Solaire Resorts and Casino.

Doon ay pormal nang inilunsad bilang bagong endorsers at dagdag sa Cignal family ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.




Inamin na rin ni Dingdong na kasalukuyan siyang nag-aaral sa UP ng Public Administration, pero hindi naman niya diretsahang sinagot ang tanong kung paghahanda na ba sa kung ano ang plano niya sa 2019 elections.

Continue reading below ↓

Sabi lang ng Kapuso actor, “Kasi alam mo, I’ve been in the community for the past eight years. Isang bagay talaga na hindi dapat mawawala.

“So, siyempre, they also deserve better service from our NGO.”

Napangiti na lang si Marian nang tanungin kung nakahanda na rin ba siyang maging asawa ng isang pulitiko.

Patuloy naman daw sila sa pagtulong kung papasok man sa pulitika o hindi.

NOEL FERRER: Maganda 'yan at pinalalawak nina Marian at Dingdong ang kanilang clout, kahit sa cable TV service na identified na pag-aari ng TV5 boss na si MVP.

Kung ang ABS-CBN kasi ay may SkyCable, ang TV5 ay may Cignal.

Ibig bang sabihin nito ay may option sina Dingdong at Marian na gumawa ng proyekto with Cignal TV?

Interesting development 'yan kung sakali.

JERRY OLEA: Kapuso Primetime King & Queen, bagong endorsers ng Cignal TV...

Hmmnn... interesting kung may hanash ang GMA Network sa endorsement na ito ng DongYan, di ba?

Continue reading below ↓

Abangan natin kung magkakaroon pa sina Dingdong & Marian ng primetime show sa Siyete, o kung sa Cignal TV na muna sila gagawa ng programa.


Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Marian Rivera
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results