Maureen Wroblewitz, pinopormahan ni Ruru Madrid?

Feb 26, 2018

JERRY OLEA: Wagas ang luha ni Maureen Wroblewitz nang umalis pa-London Lunes ng hapon, Pebrero 26.

Magtatagal siya roon ng tatlong buwan para sa mga proyekto ng Storm Agency (sikat at bonggang modelling agency sa Europe), na bahagi ng premyo niya bilang winner ng Asia’s Next Top Model 2017.

another one •

A post shared by Maureen Wroblewitz (@mauwrob) on

Masakit sa kalooban ni Maureen na sandali lang silang nag-bonding ng dalawa niyang sisters.

Ulila na sila sa ina na namatay sa breast cancer.

Matagal-tagal silang nagkahiwalay. Yung isang sister niya ay based sa Germany.

Yung isa pang sister na US-based ay last week lang umuwi sa bansa.

Nagpalagay ng identical tattoo ang tatlong magkakapatid sa kani-kanyang bisig to honor their mother.

Kaya bitin na bitin sila.

Pero siyempre, kailangang mag-focus si Maureen sa kanyang career.

Hanggang text-text na lang kaya sila ng yummylicious young actor na humahanga sa kanyang ganda?

NOEL FERRER: Naku, sino 'yang yummylicious na aktor na pumoporma kay Maureen?

Continue reading below ↓

Alam niyo bang isa si Maureen sa mga inalok maging leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday, pero hindi siya natuloy sa kung anumang kadahilanan?

Sana’y magtagumpay siya sa London at umani pa ng mas marami at malalaking karangalan para sa ating bayan.

GORGY RULA: How true na balak mag-Madrid ni Ruru para pag may chance, si-segue na siya sa London?

Nasa texting stage na nga raw sila. Mukhang tinamaan nga raw ang Ruru, e.

Ang maganda lang sa kanila, mas priority nilang dalawa ang career kaya naisasantabi ang kung anumang plano ni Ruru kay Maureen.

Hola ð???

A post shared by Ruruâ??ï¸?Madrid (@rurumadrid8) on

Read Next
Read More Stories About
Ruru Madrid
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results