Showbiz Daughter, mahilig maki-ride sa credit card pero di naman nagbabayad

Feb 27, 2018

GORGY RULA: Isang kaibigan ang nagkuwento sa aming pinag-uusapan daw ngayon itong anak ng aktres at aktor na mula sa kilalang showbiz families.

Tawagin na lang nating Showbiz Daughter itong anak nina aktor at aktres, na bihira na lang natin napapanood lately. 

Ang usap-usapan sa grupo ng millennials, itong si Showbiz Daughter ay mahilig gumimik sa labas kasama ang mga kagrupo o kaibigan.

Hindi ko lang alam kung anong tawag at kung paano gamitin itong klase ng app na ginagamit ng mga kabataan, kung saan doon pumapasok ang credit card na panggastos nila sa mga gimikan.

May usapan ang kanilang grupo, halimbawa ang credit card ni Showbiz Daughter ang gagamitin na pambayad sa bill, nahahati-hati raw ito para sa mga kagrupo na dapat mag-share sa bill na babayaran.

Iba raw ang style nitong si Showbiz Daughter.

Madalas ay nakiki-ride lang daw siya sa card ng mga kaibigan.

Sinasabi nitong babayaran niya ang kanyang share, pero hindi naman pala niya tinutupad.

Continue reading below ↓

Ilang beses na raw niyang ginagawa sa kagrupo na pagkatapos gamitin ang credit card, deadma na siya sa pagbayad.

Kaya may ganun na raw reputasyon si Showbiz Daughter na itsinitsismis ng ilang kagrupo niya.

May kamalditahang taglay rin daw itong si Showbiz Daughter na hindi ma-take minsan ng ama niya.

JERRY OLEA: Ewan kung nagkataon lang, o sadyang taghirap these days ang FB friends ko kaya nagpu-post sila o nagse-share ng hugot lines tungkol sa utang.

Gusto ko tuloy isaksak sa kukote ni Showbiz Daughter ang thoughts sa FB page na Peso Senso, lalo na yung "10 Utos sa Mangungutang."

Bonggacious ang mga payo ng nasabing FB page para sa mga Kapeso, huh?!

Wish ko lang na sumailalim si Showbiz Daughter sa Ipon Challenge.

Teka, sino ba talaga ang ama ni Showbiz Daughter?

Kung anu-ano ang kuda at hanash ni Showbiz Daughter kapag hindi siya nabibigyan ng pera ng aktor na kinikilala niyang ama.

Continue reading below ↓

Sa kamalditahan ni Showbiz Daughter, nagdududa tuloy ang aktor kung siya nga ba ang ama nito.

NOEL FERRER: Wow, medyo high profile ang pamilyang pinanggalingan ng Showbiz Daughter na ito.

At sana mapagpayuhan siya nang maayos ng kanyang pamilya dahil, in fairness ha, blessed pa rin naman sila kahit papaano.

Live by your means, 'yan talaga dapat ang reminder sa Showbiz Daughter na ito because it’s really hard keeping up with the Joneses. Naks!

Teka, sino nga ba ang tunay niyang ama at nasaan si Papa?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results