Scam Queen Lolit Solis, na-scam ng misis ni Gani Oro?

Feb 28, 2018

JERRY OLEA: Pine-festival ni Manay Lolit Solis ang travel agent na nag-book dapat ng recent travel niya sa South Korea kasama ang ilang kaibigang adik sa Koreanovelas.

Panay-panay ang post ng disputed Queen of Messages sa Instagram kaugnay sa traumatic nilang eksena sa airport.

“Ako ang Scam Queen, tapos, ii-scam niya ako?!” himutok ni Manay Lolit nang magpainterbyu sa DZRH radio program nina Morly Alinio at Gorgy Rula nitong Martes ng gabi, Pebrero 27.

“Balak pala niyang agawin ang pagiging Scam Queen ko?!”

Emote na emote si Manay Lolit sa mga pa-cliche na “You messed with the wrong girl!” at “Hell has no fury like a woman scorned.”

Ewan kung banta, pangako o eklay ang hanash ni Manay Lolit na dudulog siya sa Department of Justice, Department of Tourism, Department of Labor and Employment, at kung anu-ano pang department kaugnay sa kaso sa travel agent.

Continue reading below ↓

“Magre-radio tour ako! Hindi ko siya tatantan! Kahit saan siya magpunta, susundan ko siya!” talak ni Manay Lolit, na tila na-miss ang pagpunta-punta sa mga hearing.

Ang aking horror story about Imee Oro ng Las Vegas Travels & Tours. Pang-9 times na ako nakakapunta sa Korea kaya siguro binigyan na ako ng 3 years multiple entry na visa. Sa travels ko, marami na akong na encounter na mga kagagahan pero hindi nga kasi ako mareklamong tao kaya kung ano ang nandiyan ok lang, lalo pa nga madalas ang mga travels ko gratis con amore , mga regalo at bigay ng mababait kong sponsors kaya kung ano ang nandiyan, tanggap ko . Merong libre kang tiket, pero makikitira kayo sa bahay ng kakilala. Meron naman ang liit lang ng budget kaya ok lang backpack hotel. Meron lucky ka at 5 stars all expenses paid, meron maganda na hotel, full board meal na meron pang baon. Pero first time ko maka-encounter ng isang unprofessional travel agent in the person of Imee Oro , to think na asawa daw siya ni Gani Oro. Naloka ako na all set na sasakay ka sa Air Asia kinabukasan, bigla sa eve ng pag-alis mo sasabihin niyang PAL na ang plane n’yo . Ok lang , pero pagdating mo sa airport hindi kayo naka booked at wala kayo sa passenger list. At malaman mo pa na habang nasa eroplano kayo, saka lang binabayaran iyon hotel na titirahan ninyo na supposedly bayad na. (May karugtong) #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore�??? #horrorstory

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Pero ang mahirap hindi siya upfront sa dealing niya, wala pa akong na-encounter na isang travel agent na gumagawa ng sarili niyang istorya , and hindi ba ang isang travel agent dapat may word of honor dahil mostly sa honor system dumedepende ang business mo. Horror talaga ang naging experience ko kay Imee Oro at sa Las Vegas travel and tours , hindi ko pa na-encounter ang ganun klase ng treatment sa buong panahon na nagtra-travel ako. At dito ko lalong hinangaan ang pagiging cool ni Salve , all through out the ordeal kalmante siya, ginamit niya ang credit card niya para bayaran ang tiket sa counter dahil ayaw niyang mabigo si Vinia at Rose sa kanilang Seoul dream. Mabuti na lang at nandun si Lynette na binantayan ang booking sa Crown Itaewon , at ang height, si Marian Rivera na nagsabing huwag kaming ma-sad kahit siya na ang magbayad ng tiket namin. At si Alfred Vargas na nag-promise na tutulungan kami sa kaso namin kay Imee. Can you imagine , hiyain mo kaming apat sa airport na wala pala kaming booking , crazy. Sabi nga Sarah Duterte , you messed with the wrong woman , hay grabe , horror talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore�??? @marianrivera @alfredvargasofficial @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Kaya nga payo ko kay Salve dapat laging maaga para lahat ng kailangan sa travel mo. Dapat hawak mo na tiket , voucher , transpo coupon o anuman kailangan. Hindi dapat late ang mga papeles , dahil habang maaga ma check kung mga valid ba mga binigay sa iyo documents. Imagine fake pala tiket ng Air Asia na binigay sa amin ni Imee Oro , hindi pa pala bayad ang hotel voucher , mali ang transfer coupon ng bus from hotel to airport , lahat fictitious dahil hindi pa bayad. How did Imee Oro travel agency got away with all this kapalpakan na according to her 12 years na ang operation ng kanyang agency ? Wala bang sanction sa mga ganitong operator lalo na sa panahong ito na pinasisigla natin tourism industry. hay naku , buti na lang cool sa Korea kaya naiwasan uminit ang ulo ko , thank you Mama Rams David na sobrang concern at panay tawag sa akin to check para hindi ako ma-high blood . Siguro isa pa ito sign na talagang putulin ko na Korean connection ko , naku ending na talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore�???

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Now ko naisip Salve, sa buhay ng tao para din eroplano, pinaka-delikado sa lahat ang take off at touch down. Di ba nga ang buhay, ang pinaghahandaan mo mabuti ay iyon maka-take off ka, iyon umangat ka? At napakasakit ng feeling of touching down , iyon bumaba ka sa kinalalagyan mo, hindi mo ba naisip Salve na habang nasa itaas ka, sa gitna ng ulap, parang tahimik ang lahat , except kong may turbulence, at duon ka nakaka-feel ng takot, at kampante ka na uli sa touch down, dahil alam mo na narating mo na ang ibaba . Parang life ‘di ba , you wanted to reach the top, meron hardship along the way , and the reality pag nasa baba ka na. Ganyan lang ang buhay , kahit umangat ka , bababa ka rin , so dapat ang acceptance, kuha mo Salve ? #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore�??? @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

NOEL FERRER: As in wala talagang sagot ang ORO girl na maybahay ni Ganni Oro na siya diumano ang palpak na nagbigay ng fake tickets kay Nanay Lolit?

Hanggang saan kaya hahantong ito, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Dahil sa pag-iingay ni Nay Lolit, nakakalkal tuloy ang mga dati pang gawain nitong Imee Oro.

May nagpadala sa PEP Alerts ng mug shot niya nang nahuli ito sa kasong estafa nung taong 2015.


Continue reading below ↓


Ang irony pa nito, nakalagay doon sa address niya ay malapit lang sa bahay ni Manay Lolit sa North Fairview, QC.

Aware ang talent manager na magkapitbahay sila dati, kaya naisip daw niya baka type din daw nitong Imee Oro na maging 'scam queen' kasunod sa kanya.

Wala raw siyang balak na idemanda itong Imee, pero mag-iikot daw siya sa iba't ibang ahensiya kagaya ng Department of Tourism o sa DTI para ireklamo itong si Imee at ang travel agency niyang Las Vegas Travel & Tours.

Continue reading below ↓

Kailangang ibalik lang daw nito ang pinambili nila ng ticket. Nagdoble na kasi ng binili nilang tickets dahil fake daw pala yung unang tickets na ibinigay sa lanila.

Sa Biyernes, March 2, ay balak ni Manay Lolit na magpa-interview sa radio program nina Raffy Tulfo at Nina Taduran para ireklamo ang naturang travel agent. Kahit magharap-harap pa raw sila dun.

Read Next
Read More Stories About
Lolit Solis
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results