Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mark Bautista, suportado ng Kapuso network pagkatapos umamin

Mar 1, 2018

NOEL FERRER: Simple ang selebrasyon ni Mark Bautista ng kanyang 15th anniversary sa showbiz. Hindi pa nga plinano yun!

Matagal nang gusto ni Nanay Lolit Solis, Annette Gozon, Joey Abacan, at Tracy Gracia na makasama si Mark pagkatapos lumabas ng kanyang librong Beyond The Mark.

Nagkataon namang naalala ni Mark na mismong March 1, 15 years ago, nang sumali siya sa Star For A Night kung saan si Sarah Geronimo ang nagwagi at siya naman ang runner-up.

Pagkatapos ng pagtitipon, na sinamahan ni MTRCB Chairman Rachel Arenas at GMA PR Head Angel Javier, tumuloy si Mark sa GMA Entertainment TV para makasama ang nasa Drama SubCommittee.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaka-tape pa lang ni Mark ng episode kasama ang fellow champion na si Christian Bautista sa Celebrity Bluff, at sinabi niyang napaka-supportive sa kanya ng host na si Eugene Domingo.

Naka-schedule din siyang mag-guest sa Sunday PinaSaya at may inaayos na episode ng Magpakailanman.

Todo ang suporta sa kanya ng GMA-7 at hihintayin siya sa pagbabalik niya mula sa concert tour nila kasama si Sarah Geronimo.

At sa pagbabalik, sana ay mailagay siya sa isang soap opera.

Next week, March 10, nasa National Bookstore Trinoma si Mark; at,sa March 17, nasa NBS Glorietta naman siya para sa kanyang book signing activity.

Pagkatapos nun, ise-celebrate natin ang musika at buhay ni Mark sa isang special 15th qnniversary tribute sa Radyo Inquirer sa March 17, Sabado, ganap na 7:30-10 PM.

Truly you cannot put a good and honest man man down. 'Yan si MacMac para sa amin.

At nag-iwan pa siya para sa ating supporters niya ng isang makahulugang kanta, na kinakanta niya noon pang band days niya sa Cagayan de Oro.

Continue reading below ↓

Exclusive ito sa atin sa PEP Alerts.

JERRY OLEA: Mahal ng mga Kapuso si Mark Bautista.

May career pa rin siya, kahit dedmahin ng ibang network ang kanyang existence.

Bonggacious ang aura ni Mark ngayong nagpakatotoo siya.

Happy anniversary, Mark!

GORGY RULA: Parang ang gaan-gaan ng aura ni Mark nang nakatsikahan natin siya kaninang tanghali.

May ilang isyu kaming nilinaw sa kanya na sinagot naman niya. Pero mas gusto niyang off the record na lang iyun.

Mas pipiliin niyang mag-focus na lang sa trabaho kesa paulit-ulit na tanong tungkol sa isang rebelasyon niya sa kanyang librong.

Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista, GMA-7
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results