Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aicelle Santos, pasok bilang Gigi sa UK Tour ng Miss Saigon

Mar 2, 2018

NOEL FERRER: Aalis na sa March 22 si Aicelle Santos para maging Gigi sa Miss Saigon UK Touring edition.

Kasalukuyang gumaganap si Aicelle bilang Elsa sa Himala, at pagkatapos nun ay mag-eempake na siya papuntang London para sa ensayo sa produksiyon ni Cameron Mackintosh na pinagbidahan ng maraming Pinoy artists.

Masaya kami para kay Aicelle at sa dalawa pang Pinoy na makakasama niya sa international production.


Continue reading below ↓

Ang tanong, paano na ang Rak Of Aegis? Balitang may re-staging muli ng longest-running Pinoy musicale ng PETA.

This time kaya, makukumbinse na si Jona na gumanap ng lead role?

JERRY OLEA: Eto na nga iyon! Level up na ang Traffic Diva ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At masusubukan ang tibay ng pagmamahalan nina Aicelle at Mark Zambrano.

Teka! May balita pa ba kayo kay Maricris Garcia, na kagrupo noon nina Jona at Aicelle sa La Diva?

At si Gerald Santos na nag-farewell concert noon sa Skydome matapos ang seven-month stint sa UK tour ng Miss Saigon, kasali ba uli sa panibagong UK tour?

Abangan!

GORGY RULA: May official statement na po ba from Mackintosh?

Matagal nang napapag-usapan 'yan, eh. Pero mahirap lang pangunahan hangga’t wala pang official statement na nanggaling mismo sa Miss Saigon UK.

Pero masaya tayong lahat at proud na proud tayo para kay Aicelle.

Sana masunod din niya ang success na tinatamasa ngayon ni Rachelle Ann Go.

Continue reading below ↓

Huwag lang yung dyowang foreigner, dahil maghihintay lang dito ang love niyang si Mark Zambrano.

Kaya mauudlot ba muna ang napapag-usapang kasalan?

Ang isa pa pala sa sobrang natutuwa para kay Aicelle ay si Julie Anne San Jose na dream ding makapag-Miss Saigon.

Kapag magkaroon ulit ng audition, susubukan na talaga ni Julie Anne dahil hanggang school pa lang daw ang pag-portray niya ng Kim sa Miss Saigon.

Sana matupad din daw ang dream niyang West End experience.

Read Next
Read More Stories About
Aicelle Santos, Miss Saigon
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results