Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Manay Lolit Solis, hindi tatantanan si Imee Oro hangga't di nagbabayad

Mar 2, 2018

GORGY RULA: Itinuloy ni Manay Lolit Solis ang pag-guest niya sa programang Isumbong Kay Tulfo sa TV 5 kaninang tanghali, March 2, para isumbong kay Raffy Tulfo ang ginawa sa kanila nitong travel agent na si Imee Santiago-Oro nang magbiyahe sila pa-Korea nung nakaraang linggo.

Doon isinalaysay ni Nay Lolit kung magkano ang inabot ng perang napunta kay Oro, na binigyan lang pala sila ng fake na ticket pa-Korea.


Continue reading below ↓

Sabi ng talent manager/radio host at columnist, si Congressman Alfred Vargas ang nanlibre sa kanila ng bakasyong yun.

Nagbayad daw ng 150K pesos si Cong. Alfred sa package tour na yun.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nang nagkaproblema raw sa airport, kung saan nalaman nilang hindi pala sila naka-book, ipinarating nila ito kay Cong. Alfred, na hiyang-hiya sa kapalpakang ginawa ni Oro.

Para lang matuloy ang pag-alis ng grupo ni Manay Lolit, nagpadala pa raw uli ang actor-politician ng 200K pesos kay Oro para sa panibagong tickets, pero hindi pa rin nai-book.

Sa airport na bumili ng kanilang ticket gamit daw ang credit card ni Salve Asis, na kasama nila sa biyahe.

Nagkakahalaga ng 162,000 pesos ang ibinayad para matuloy ang pag-alis nila nung araw na yun.

Kaya umabot ng 512,000 pesos ang nagastos para sa apat na tickets pa-Korea.

Sabi ngayon ni Manay Lolit, ibalik lang ang inabono ni Salve na 162,000 pesos, mananahimik na raw siya.

Continue reading below ↓

Si Imee na raw ang bahalang makipag-ayos kay Cong. Alfred sa nagastos ng huli.

Kapag hindi raw ito maayos ni Imee Oro, patuloy raw siyang magsasalita at maggi-guest sa mga radio at TV programs.

Nakatakda pa raw siyang mag-guest sa radio program ni Ka Tunying Taberna para ikalat itong ginagawa ni Oro.

Hinahamon nga niya itong si Oro na magharap sila sa mga radio at TV guestings nito.

Ang aksiyon na ginawa ni Raffy kanina sa sumbong ni Nay Lolit, tiningnan kung legit o nakarehistro itong Las Vegas Travel and Tours na pag-aari ni Imee Oro.

Doon nalamang nung 2010 daw ito ipina-register at hindi na na-renew.

Kaya nakatakda nang ipasara itong Las Vegas Travel and Tours ni Imee Oro na may dalawang branch sa Quezon City.

NOEL FERRER: Wow, may guesting spree ulit at visible na naman si Nanay Lolit Solis!

Totoo bang posible siyang sumama sa PEP ALERTS SQUAD dahil sa kanyang pagiging RELEVANT at in the NEWS ulit?

Continue reading below ↓

Tables are turned, di ba? Ang dating naghahatid ng balita ang mismong balita na ngayon. Onli In Da Pilipins ...

Imee Oro, nakahanap ka ng katapat mo!!!

JERRY OLEA: Lolit Solis vs Imee Oro sa palabas na TOTSTSQ... The One That Scammed The Scam Queen!

Totoo bang nakalabas na si Imee matapos arestuhin?

Nakapagpiyansa agad-agad?!

Ang hanash ni Manay Lolit ngayong Biyernes ng takipsilim, Marso 2, “Oo nga! Talagang may koneksiyon na siya sa tagal ng scam niya.

“Kahit anong gawin niya, habang di niya binabayaran si Salve, forever ko siyang iko-complain sa lahat ng puwede ko puntahan.

“Siya ngayon ang bago kong addiction!”

Read Next
Read More Stories About
Lolit Solis
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results