Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bukod kay Aicelle Santos, dalawa pang Pinoy pasok sa Miss Saigon (U.K. edition)

Mar 3, 2018

NOEL FERRER: Ang aking inaanak sa kasal na si Joaquin Pedro Valdes na isang bihasa na at multi-awarded theater actor ay opisyal nang inihayag na kasali sa U.K. Touring Edition ng Miss Saigon.

Commercial at concert director din siya ng shows ni Jon Santos sa Resorts World, ng Baihana, ng Open Mic, at Playshop events.

Very providential ang sinabi ni Joanna Ampil nang mag-guest si Joaquin sa Valentine at anniversary show nito na sana, balang araw ang maisakatuparan ang pangarap ni Joaquin na makatanghal sa world stage.

Nagkataon namang ang kinanta nila ay ang Miss Saigon duets na siya ring nagsimula ng international career ni Joanna.

Kasabay nina Joaquin at Aicelle na aalis ay si Eroy Abesamis na matagal ding nagtrabaho sa Hong Kong Disneyland bilang dancer.

Si Eroy ay kinuha ng grupo ng Cameron Mackintosh bilang dancer din sa U.K. touring edition ng Miss Saigon.

Sobrang laking karangalan ulit ito para sa mga artistang Pilipino.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Sadyang world class ang galing ng Pinoy!

Masaya tayo sa tagumpay ng mga kababayan natin sa larangan ng musical theater.

Ipinagmamalaki natin si Lea Salonga, ang orig na Kim sa Miss Saigon.

Sa timpalak kagandahan, bonggacious ang mga koronang nasungkit ng mga dalagang Pilipina.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa boxing, meron tayong Pambansang Kamao.

Sa Cannes film fest, meron na tayong best director (Brillante Mendoza para sa Kinatay noong 2009) at best actress (Jaclyn Jose para sa Ma’ Rosa noong 2016).

Pero uhaw pa rin tayo.

Wala pa tayong pelikula na nag-qualify sa kategoryang best foreign-language film ng Oscars (Academy Awards).

Wala pa rin tayong ginto sa Olympic Games.

GORGY RULA: Nakaka-proud na hindi tayo nauubusan ng magagaling na talents para sa ibang bansa.

Sana lalong mapalapit sa masa ang theater para mas marami pang ma-discover na magagaling na performers.

At mabigyan din sana ng maayos-ayos na talent fee ang mga theater actors para mas marami ang maengganyo na mag-perform sa entablado.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Dagdag pang balita, mae-extend ulit ng isang taon ang kontrata ni Red Concepcion (kapatid ni Sam who played Engineer) at ni Gerald Santos (who played Thuy) sa Miss Saigon tour group na kagagaling lang sa Ireland.

Magkakasama sina Joaquin at Gerald sa second year ng UK/International Tour ng Miss Saigon.

There’s a big chance daw na magkaroon ng Asian Tour three months after March in 2019 ang Miss Saigon na iikot sa Singapore, Manila, at Korea.

Good news talaga ito sa ating mga kababayang mahilig sa world-class theater!!!

(L-R) Joaquin Pedro Valdes, Gerald Santos, Red Concepcion


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gerald Santos, Miss Saigon
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results