Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Baron Geisler, sariling pamilya na ang kaaway

Mar 3, 2018

GORGY RULA: Nag-react ang isa sa mga itinuturong diumano’y nambugbog kay Baron Geisler nang mag-Facebook Live ang aktor bago siya nagpa-blotter sa mga pulis at nagpagamot sa hospital.

Sa FB Live niya ay binanggit ni Baron ang mga pangalan ng diumano’y nambugbog sa kanya.


Bahagi ng pahayag ni Baron sa kanyang FB Live, “My brother-in-law Mike, and my sisters and Marge Morales beat the hell out of me na walang kakuwenta-kuwenta because of money issues.

“Guys, help me how to deal with this. But, I’m not afraid sa mukha ko.

Continue reading below ↓

"But, di ba magkapatid, di dapat nagbugbugan? Pinapasa-Diyos ko na lang lahat.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Okay lang, tanggap ko 'to.

"Tama yung sinabi ng nanay ko, ‘Baron, magpakabait ka na, dahil pag namatay ako, kawawa ka sa mga kapatid mo.'"

May ilan pang pangalan na binanggit ang aktor.

“My brother in law Mike Morales, beat the hell out of my face.

"Mike Morales, thank you very much for this face, ang ganda!

"Grace Gail, my sister, Donnie Geisler, and Ana Maria Pineda Geisler, thank you very much.

“I guess money is more important, hindi n'yo nga ako tinutulungan, e. Hay naku!

"Kung nabubuhay lang ang nanay ko talaga.

"Okay lang, maraming salamat po. God bless you guys, saya!”

Doon ay nag-react si Marge Morales.

Sabi niya, “You are an actor, I get it. Pero you don’t have to put family affairs on social media para makakuha ng awa.

"Artista ka nga talaga. You twist stories.

Continue reading below ↓

"Is this what you want? Pagtawanan tayo ng tao?”

NOEL FERRER: On one point, naaawa ako kay Baron.

Pero sa kabilang banda, sana matuto na siya sa dami ng mga pinagdadaanan niya sa buhay!

Kung nasa tama siyang pag-iisip, dapat inaayos nila itong isyu na ito nang personal at sa pamilya lang nila, at hindi na kailangang ilabas sa social media.

Mali namang humantong sa bugbugan o sakitan ang pagreresolba ng mga isyu, pero please spare us.

We deserve better things. The best of Baron the actor, not the wayward alcoholic.

JERRY OLEA: Nakakatakot ang kalagayan ni Baron Geisler.

Pamilya dapat ang sandigan niya sa buhay, lalo pa’t bukas na aklat ang mga nangyari sa kanya.

Sino ang kanyang kakampi?

Sino ang magmamalasakit sa kanya upang maiayos ang kanyang landas?

Kung mismong mga kadugo at kapamilya niya ay kanyang kaalitan, ano ang kanyang kahahantungan?

Read Next
Read More Stories About
Baron Geisler, family
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results