Oscars 2018 update: Warren at Faye, presenters muli ng Best Picture trophy

Mar 4, 2018

JERRY OLEA: Balik-Oscars ang host at best picture presenters ng Academy Awards last year.

Sa 90th Oscars na mapapanood bukas, March 5, ng umaga sa Pilipinas, si Jimmy Kimmel muli ang host, at minsan pang magpe-present sa kategoryang best picture sina Warren Beatty at Faye Dunaway.

Kaugnay sa ika-50 anibersaryo ng pelikula nilang Bonnie and Clyde, sina Warren at Faye nag-present ng highest honor last year.

Maling envelope ang naibigay sa kanila, at ini-announce ni Faye na best picture ang La La Land e ang tunay palang winner e ang Moonlight. Boom!!!

“Presenting is better the second time around,” ang sabi ng 77-year-old Hollywood actress during the rehearsal last Thursday night, at the Dolby Theater, ayon sa TMZ.

At ang pakli ng 80-year-old na si Warren, "The winner is Gone With The Wind.”

Ayon naman sa Variety, nag-back out si Casey Affleck (best actor winner last year) na mag-present ng best actress award dahil sa kinasangkutan niyang dalawang kaso ng sexual harassment.

Continue reading below ↓

At bilang pagpupugay sa kababaihan, ang presenters para sa best actress ay sina Jennifer Lawrence at Jodie Foster, at ang presenters para sa best actor ay sina Jane Fonda at Helen Mirren. Bongga!

Presenters din ang superhero stars na sina Chadwick Boseman (Black Panther) at Gal Gadot (Wonder Woman), at ang Star Wars legend na si Mark Hamill.

Ang bida sa A Fantastic Woman na si Daniela Vega ang unang openly transgender actress na presenter sa kasaysayan ng Oscars.

NOEL FERRER: Siyempre, tutunghayan natin ang Oscars awards ceremonies para tingnan kung paano natin ma-a-adapt ang magagandang elements nito sa ating bansa.

Isang maaari nating gawin ay ang pagkakaroon ng advocacy para mas maging makabuluhan ang ating pagdiriwang.

Kaya kaya natin yung anti-sexual harassment o #MeToo campaign?

Isang hangad pa nga sana natin ay ang pasiglahin pa ang ating Film Academy dahil tulad nga ng sinabi ni Direk Joel Lamangan nang mag-guest siya sa aming Level Up radio program, kailangang mas maging aktibo ang Film Academy natin sa pagtugon sa mga basic na pangangailangan at concerns ng mga actors tulad ng humane working hours and conditions at ang mismong pagsasaayos ng hanay ng filmworkers na may impact sa lahat.

Continue reading below ↓

Sino kaya sa mga sikat at prominente nating artista at filmworkers ang magpo-front line bilang kinatawan ng mga ating akademya.

Aminin natin, ok naman ang pagmamalasakit nina Leo Martinez (FAP) at Imelda Papin (Actors Guild President), but you can just imagine kung mayroon pang mas may power at influence na personalidad na magko-commit para gawing mas buhay at mas productive ang mga guilds at ang ating akademya. Di ba mas maganda?

Parang noong mga panahon noon nina FPJ, Rudy Fernandez, Armida Siguion-Reyna, Kuya Germs, iba pa, sino kaya ang magiging leader ng ating akademya sa bagong henerasyon? Coco Martin, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz kaya?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results