Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mariel de Leon, kinain ang sinabing hindi siya magsu-showbiz

Mar 5, 2018

GORGY RULA: Katatapos lang pumirma ni Bb. Pilipinas International 2017 Mariel de Leon sa LVD Management and Consultancy Services ni Leo Dominguez.

Ginanap ang contract signing sa Blue Rocket and Kitchen sa Sct. Reyes, Quezon City, kaninang tanghali, Marso 5.


Doon na rin ibinahagi ni Mariel na kasama siya sa indie film na Latay, kasama sina Lovi Poe at Allen Dizon.

Gusto na raw mag-concentrate ngayon ni Mariel sa pag-arte dahil maganda naman ang experience niya, at na-enjoy niya nang husto nang ginawa niya sa Ang Panday ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

Sabi ng beauty queen-actress, “Dati sa mga interviews ko, I said na ayaw kong mag-acting o mag-showbiz.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I think I said that before because I was scared the life of an actor.

"Kasi I saw it with my parents na they’re always going home late, and super-tiring yung ginagawa nila.

“Pero after nung Panday… since I had fun in Panday, parang it opened up my mind to try acting more.”

Si Mariel ay anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Malaking bagay raw yung magandang experience niya sa Ang Panday na napaka-cooperative sa kanya ng co-actors niya, lalo na si Coco Martin na super-alaga raw sa kanya.

“Nabago, e, kasi everyone sa set, they’re very nice to me.

"They were patient dahil baguhan ako.

"They were teaching me sometimes on how to say the lines, on how to act or react.

“I was lucky then…he made sure na we were always taken cared of sa set,” sabi pa ni Mariel.

Continue reading below ↓


Sabi pa ng 24-year old beauty queen-actress, marunong na siya ngayong mandedma ng bashers at naha-handle na raw niya ito nang mabuti.

Sabi naman ni Manay Lolit Solis, na sumuporta roon kay Mariel kasama si Sandy Andolong, hindi na dapat maapektuhan ang dalaga sa bashers dahil, sa totoo lang, ang nanay raw nito na si Sandy ang kauna-unahang nakatikim noon ng matinding bashing.

Continue reading below ↓

Nung nakarelasyon na ni Sandy si Christopher de Leon, matindi raw ang pinagdaanan niya noon na pamba-bash mula sa Noranians.

NOEL FERRER: Naku, let’s not go to talking and labeling Noranians and bashers, kasi beyond naman diyan si Mariel, ang mababait niyang magulang na sina Boyet de Leon at Sandy Andolong, pati na rin ang mismong Superstar natin—ang nag-iisang Nora Aunor.

Gusto ko si Mariel dahil opinyonada at may sariling isip, kahit na noon ay napapahamak siya dahil sa kanyang mga paniniwala.

Maliban sa pag-arte, alam kong mahusay ring singer si Mariel.

Classically trained siya kaya unique at nakakatuwa para sa millennials. Para siyang fashionistang “old-soul.”

I only wish Mariel well.

Huwag muna sanang ma-in love muli si Mariel dahil madalas din siyang natatanso in love. Hehe!

Career muna!

JERRY OLEA: Kapwa nag-debut sa pelikula sina Pia Wurtzbach at Mariel de Leon sa MMFF 2017.

Kontrabida si Pia sa topgrosser na Gandarrapido: The Revenger Squad.

Continue reading below ↓

Leading lady si Mariel sa Ang Panday na pangalawa sa takilya sa filmfest.

Ngayon ay pareho silang may follow-up movie.

Ipapalabas na ang My Perfect You, kung saan leading man ni Pia si Gerald Anderson.

Magsu-shoot na si Mariel sa Latay, kung saan suporta siya kina Lovi Poe at Allen Dizon.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results