Geoff Eigenmann, open makatrabaho ulit ang ex-girlfriend na si Carla Abellana

Mar 6, 2018

GORGY RULA: Balik-Kapuso na si Geoff Eigenman pagkatapos niyang lumabas sa ABS-CBN nung 2017 at isa na siyang ama ngayon.

Si Geoff ang leading man ni Glaiza de Castro sa bagong afternoon drama ng GMA-7 na Contessa.


Ngayong nasa Kapuso network na siya uli at sabi nga niya, ibang-ibang siya ngayong isa na siyang ama, open kaya siya sa ideyang makatrabaho ang dating kasintahang si Carla Abellana?

Continue reading below ↓

Sabi ng aktor, “For me, it’s all in the past na.

"Like I said, ibang buhay na talaga yung nangyayari ngayon.

“I guess, puwede ko nang masabi na papalitan ko na yung sagot ko before na… I’m open to working with her.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I wouldn’t have issue about it kung meron man. If there is such a possibility… why not?”

Naikuwento rin ni Geoff na nagkita na sila ni Carla sa wedding nina Pancho Magno at Max Collins nung nakaraang taon, at nagkabatian naman daw sila.

“Okay naman. She saw our baby.

"She congratulated us… ipinakilala ko na rin si Maya," pakli ng aktor sa presscon ng Contessa kagabi.

Marami naman daw nababago sa isang tao, pati sa pananaw at nakakalimutan na ang masakit na nakaraan.

Sabi niya, “Kumbaga, everybody changes naman, e.

"Even the cells in our body changes every six months.

"So, every six months, there’s a whole new you, kumbaga.

Continue reading below ↓

“Nasa sa 'yo lang naman yun kung maghu-hold on ka sa past mo.

"Everything is a choice lang naman kung pahihirapan mo ang sarili mo o hindi, di ba?” dagdag na pahayag ni Geoff.

NOEL FERRER: Fatherhood becomes Geoff.

Balita namin, sobrang hands on soya talaga sa pagtatatay.

At kamukha niya talaga ang kanyang anak at pareho pa silang gray daw ang mata.

Lady in red ang dating ni Glaiza na ibang-iba sa totoong aura niya na rocker chic.

Ibang klase at pinaghataw siya ng theme song ng kanyang bagong teleserye na parang nagbi-videoke lang kasama ang mga barkada.

I bet, mas bongga pa kung pinaghataw siya ng pang-rock na kanta na siyang forte ng timbre ng boses niya.

In any case, sabi nga ni Tito Gorgy, crooner ang dating niya last night.

Sana makatulong yun sa kanyang pagiging “Contessa.”

JERRY OLEA: Tatlo ang mga lalaki ni Bea Resurreccion (Glaiza de Castro) sa teleseryeng Contessa—ang magkapatid na sina Mark Herras (Marco Caballero) & Geoff Eigenmann (Gabriel Caballero), at ang close friend na si Jong Generoso (Jak Roberto).

Continue reading below ↓

Matetegi si Marco, at makukulong dahil dito si Bea.

Siyempre, galit si Gabriel sa inakala niyang nagpapatay sa kanyang kapatid.

Ang karamay ni Bea, si Jong.

Sa Grand Panagbenga Parade last February 25 (Sunday) ay si Jak ang escort ni Glaiza.

Ang Pambansang Abs pa rin ang kasama ni Glaiza sa Kapuso mall show bukas, Marso 7, Miyerkules, ng 3 PM sa Gaisano Mall ng Tagum City, Davao del Norte.

Nakikita kaya ni Jak si Barbie Forteza kay Glaiza?

“Ay, hindi! Malayo!” mabilis na pagkontra ni Glaiza sa mediacon kagabi sa GMA Network Center.

“Si Barbie, punung-puno ng buhay!”

Pareho sila ni Barbie na magaling!

“Siguro, yun ang connecting factor namin! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Glaiza.

Read Next
Read More Stories About
Geoff Eigenmann, Carla Abellana
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results