Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, suportado ang Bagani ng ABS-CBN

Mar 7, 2018

GORGY RULA: Nagpahayag ng suporta si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa programang Bagani ng ABS-CBN dahil daw sa magandang kinalabasan ng Ilocos.

Hindi raw niya akalaing ganun kaganda ang ipinakita ng Bagani.


Kaya kahit nagkakaisyu ito ngayon sa ilang cultural minorities at pati sa DepEd, gustong iparating ni Imee na suportado nilang mga Ilocano sa fantaserye nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Continue reading below ↓

Naniniwala ang gobernadora ng Ilocos na masuwerte ang isang proyekto kapag doon sa Ilocos ang taping o shooting.

Napatunayan na raw niya ito mula pa sa mga pelikulang ginagawa roon ni FPJ.

Sobrang na-miss daw niya ang showbiz, at parang type niyang mag-produce uli ng pelikula, bilang nauuso naman ngayon ang mga indie film.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Totoo kaya ang nasagap naming balitang may planong gawing pelikula ang buhay na Madame Imelda Marcos, ang ina ni Governor Imee?

Malapit na naman kasi ang election year, and I guess, maraming magtatangkang gumawa ng bioflick para lalo pa silang mapalapitbat maging interesante sa mga tao.

Noong ngang nakaraang MMFF, mayroong nagpasa na pelikula ukol sa buhay ng isang politiko starring a real A-lister na aktor.

Sayang nga lang at hindi nakapasok sa top entries.

Kung matutuloy ang pelikula ukol sa buhay ni Imelda, may kinalaman kaya rito si Governor Imee?

JERRY OLEA: Malalim ang talakayan sa paggamit ng salitang bagani, at matatalim ang mga punto ng katukayong Jerry Gracio sa usaping ito.

Sa dinami-dami ng mga suliraning kinakaharap ng mga estudyante at guro sa ating bansa, heto at aligaga ang mga nakapuwesto sa gobyerno sa bagong fantaserye ng Kapamilya Network.

Napakarami ring pasakit ang dinadanas ng mga kababayan nating Indigenous People, halimbawa’y ang lagay ng mga Lumad, pero nakisali pa rin sa isyung Bagani ang mga nakapuwesto sa komisyong iyon.

Continue reading below ↓

Nakakalungkot.

Nakakadismaya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results