Darna ni Liza Soberano, tuloy na tuloy

Mar 9, 2018

JERRY OLEA: Nagtaka si Liza Soberano sa tsikang shelved ang pelikula niyang Darna.

Mabilis na nilinaw ni Mico del Rosario ng Star Cinema sa Instagram at Twitter, “Tuloy na tuloy po ang Darna.”


Ayon sa insiders na napagtanungan namin, nakailang shooting days na ang proyekto.

Ipinahiwatig din ng direktor ng pelikula na si Erik Matti na tuloy ang paglipad muli ni Darna sa big screen.

Continue reading below ↓

Hati ang mga araw ni Liza sa taping ng fantaseryeng Bagani at shooting ng pelikulang Darna, kaya kataka-taka ang paglutang ng tsikang isinantabi ang kanyang first solo movie.

Natsika noon na nasa cast ng Darna si Iza Calzado.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Napagkikita sina Iza at Liza na nagte-train magkasama.

Mukhang si Iza ang magpapasa kay Liza ng mahiwagang bato!

Bali-balita ring kasama sa cast si Tirso Cruz III.

GORGY RULA: May ilan pang pangalang naglitawan na bahagi raw ng Darna.

Merong Amy Austria, Arci Muñoz, at pati ang batang si JJ Quilantang, na siyang gaganap daw na Ding.

Pero wala pang kumpirmasyon 'yan.

Kaya siguro napagdudahang di matutuloy dahil abala rin kasi ang direktor na si Erik Matti.

Di ba, tinapos pa niya ang Buy Bust ni Anne Curtis at meron pa dapat na gagawing pelikulang para kay Jennylyn Mercado?

Sa dami ng ginagawa nila, malamang na taon ang bibilangin nyan bago matapos 'yang Darna na 'yan!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Tikom ang bibig ko at bawal akong magsalita tungkol dito, pero excited ako sa proyektong ito.

Sana nga isali nila ito sa Metro Manila Film Festival, pero ang balita ay naka-earmark ito for a November 2018 release-date.

Sa panahong may paghahati sa bansa, people turn to superheroes para sa pag-asa at pagkakaisa.

Sana magawa nga ito ni Darna!!!

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results