Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bashers nina Anne Curtis at Dingdong Dantes, 'di umubra sa DongYanatics

Mar 10, 2018

GORGY RULA: Ngayong araw ang last shooting day ng pelikulang Sid and Aya (Not a Love Story) na pinagtambalan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Sa Japan ang shooting nila na dinirek ni Irene Villamor.

Konting tsika sa amin ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, masaya at maayos daw ang shooting nila doon na kinunan sa ilang bahagi ng Japan.

Tuwang-tuwa raw ang mga Pinoy fans na nakiusyuso doon sa shooting. Masaya namang nagpa-picture sa kanila ang dalawang bida.

May ilang bashers lang na nagni-nega sa mga ipinu-post nina Perry sa kanilang IG account.

Hindi kasi nila type na si Anne ang ka-partner, at gusto pa rin nila si Marian Rivera lang ang makakasama ni Dingdong. Pero kinuyog naman ito ng mga Dongyanatics at mga supporters ni Marian. Pinapaalis nila ang mga nagni-nega sa mga post ni Perry pati ang kay Dingdong.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos



Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Susuportahan nina Marian Rivera at Erwan Heussaff ang pelikula nina Dingdong at Anne.

Kaya yung fans na nagne-nega, dapat lang walisin at ilagak sa kangkungan.

Kapuso si Dingdong, Kapamilya si Anne, at bago ang kanilang kumbinasyon kaya sabik tayong tunghayan kung ano ang kahihinatnan nito.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Dahil pareho nang may pamilya sina Dingdong at Anne, they can tackle a wide variety of roles already and they are at the point in their careers na hindi na lang sila basta magpapakilig lamang.

Investment na sana itong pelikulang ito para magkaroon sila ng mas significant works sa kanilang filmography para hindi lang sila kilalanin bilang box-office stars kundi mga mahuhusay na aktor na rin na may ambag na magaganda at significant na mga pelikulang maihahanay sa mga classic Filipino films.

Kasama tayo sa mga nananabik na mag-aabang sa pelikulang ito ng mga original Viva talents - sina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Anne Curtis
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results