'Pag naging hit ang pelikula nina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson...

Mar 11, 2018

JERRY OLEA: Rom-com ang My Perfect You, kaya may kissing scene dito ang mga bidang sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

“Kung paano namin ginawa, at kung saan namin ginawa, at kung bakit namin ginawa, ‘yon ang dapat abangan!” nakangiting bulalas ni Gerald sa mediacon nitong Sabado, Marso 10 nang hapon sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Cmpd., QC.

“Kasi, isa iyon sa pinaka.. yung first o yung second kissing scene namin... isa sa pinaka-romantic!

“Alam naman ng mga tao na mahilig ako sa nature, mahilig ako sa labas, mahilig ako sa labas ng bahay.

“So, for me, to be able to do that sa isang element na gustung-gusto ko... sobrang natuwa ako!” sambit pa ng 29-anyos na aktor.

Ano naman ang masasabi ni Pia sa kissing scene nila?

Mabining sagot ng dalaga, “Ahh... OK naman po. Hindi naman po kami nagkamali.”

Kumustang kahalikan si Gerald?

“Magaling po siya,” tugon ni Pia.

Continue reading below ↓

“Syempre, sa experience niya sa showbiz, alam na niya kung ano yung kiss na tama.

“Gina-guide niya rin ako in some way.”

Sa Miyerkules, Marso 14 na ipapalabas sa mga sinehan ang My Perfect You, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.


NOEL FERRER: Funny, but after winning Best New Actress sa Gandarrapido, The Revengers Squad sa PMPC Star Awards for Movies, ito na siguro ang pinakamalaking pelikula ni Pia Wurtzbach na kapanabayan ni Bea Alonzo sa Star Magic noon na ngayon nama’y nali-link bilang lover ni Gerald Anderson.

Continue reading below ↓

Buti na lang magkaibigan sina Pia at Bea at hindi sila naapektuhan sa mga trabaho nila.

Sa premiere night na, magandang makita sina Bea Alonzo at Marlon Stockinger na manood kasama nina Geeald at Pia - at kapag natanggap yun ng manonood, masasabi nating nag mature na ang mga fans! Wagi!

GORGY RULA: After Meet Me in St. Gallen at Sin Island, wala pang kasunod na Pinoy film na maganda ang resulta sa takilya.

Kung mag-hit itong movie nina Gerald at Pia, no doubt ang Star Cinema lang talaga ang magaling magbenta ng pelikula. Sana makuha ng ibang film outfit ang strategy ng Star at Kapamilya network sa pag-promote ng pelikula para mas marami pang local films na mapapalabas. Mas maganda kasing merong Pinoy film na naipalalabas every week.

Mas masaya at masigla ang ating movie industry.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results