Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Atom Araullo, pasado ang performance sa una niyang pelikula

Mar 11, 2018

GORGY RULA: Palakpakan nang bonggang-bongga at hiyawan ang reaksiyon ng mga nakapanood sa advance screening ng pelikulang Citizen Jake na ginanap sa UP Film Center kagabi.

Pawang papuri ang narinig namin sa performance ni Atom Araullo sa first movie niya, at pinuri rin nang husto ang matapang na pagkakalahad ni Direk Mike de Leon sa naturang pelikula.

Inilahad sa naturang pelikula ang diretsahang pagtuligsa sa pamilyang Marcos at sa kabulukan ng pulitika dito sa atin.

Isa si Atom sa nagsulat ng script at sinabi niyang paninindigan nila ang lahat na ipinahayag sa naturang pelikula.

Sabi ng Kapuso journalist, “I was a co-writer. It’s a work of fiction but it has a strong message. So, we stand by what the film says.”

Sinundan namin ng tanong kung nakahanda ba siyang harapin ang reaksiyon ng mga masasagasaan ng pelikula, lalo na ang Marcos family at mga kaalyado nito.

“I think our history is our best teacher.

Continue reading below ↓

“We have gone through the dark period of our history, and that kind of those stories are taught in school.

“We built monuments. We remember the people who sacrifice themselves, their lives, their families, fighting the dictatorship.

"That is not apt for debate. This is an established historical fact.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So, I don’t see anything controversial with that," diretsong pahayag ni Atom.

Okey ba sa kanyang imbitahin ang pamilya Marcos na panoorin ang pelikulang ito?

“Of course! Oo naman!” mabilis na sagot ni Atom.

Bukod sa kuwento ng pelikula, pinuri si Atom dito dahil hindi naman siya nagpahuli sa magagaling niyang co-actors, lalo na si Teroy Guzman na gumanap na father niya, si Gabby Eigenmann na kapatid naman niya sa pelikulang ito, at si Luis Alandy na gumaganap bilang si Jonie, ang anak ng caretaker nila na kababata at kaibigan niya sa pelikulang ito.

Para sa amin, ang tatlong nabanggit ang talagang nagpamalas ng outstanding performance kahit magagaling din sina Richard Quan, Lou Veloso, Max Collins, Cherie Gil, at Ruby Ruiz sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓

Photo by Gorgy Rula

NOEL FERRER: May special public screening ang Citizen Jake sa UP Film Center din sa Martes, March 13, at may Q&A daw ito pagkatapos ng palabas sponsored by UP Cineastes.

Sa mga nagtatanong kung bakit wala pang schedule ng commercial showing ang pelikula, mukhang mas gusto yata ng producers nito na mapanood ito in its integral version at huwag nang dumaan sa censorship.

Continue reading below ↓

Hindi ko pa napapanood ang pelikula, pero may ka-censor-censor ba rito? Hindi ba’t ang mga pelikulang nagmumulat sa ganitong realidad ay inihahain sa manonood na siyang huhusga sa halaga nito?

As for Atom, he has his momentum now, pawang significant works ang nagagawa niyang proyekto sa GMA-7.

Ang Philippine Seas ay nagpanalo sa kanya bilang Best TV Presenter sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) at ang kanyang kauna-unahang i-Witness feature na “Silang Mga Kinalimutan” ay finalist sa Asian TV Awards.

Patuloy ang exciting niyang travel and adventure series sa AXN and, very soon, magsisimula na ang kanyang The Atom Araullo Specials sa GMA-7.

At heto, may Citizen Jake pa siya with the Master Filmmaker Mike de Leon.

He really lives us to how we regard him—ang makabagong “Renaissance Man.”

Ang scoop diyan ay bukas, ibang side naman ni Atom ang mabubungaran natin.

Sa sobrang pagpapala sa kanya, magpapakape ako at magpapa-burger pa, mga kapatid!

Continue reading below ↓

Photo by Gorgy Rula

JERRY OLEA: Makabuluhang pelikula. Obra maestra.

Wish ko lang na panoorin ito ng masang Pinoy, lalo na ang mga bumoto kay Presidente Duterte.

Ang Kinatay ay nagpanalo kay Brillante Mendoza ng best director sa Cannes.

Ang Ma’ Rosa, nagpanalo kay Jaclyn bilang best actress sa Cannes din.

Continue reading below ↓

Ang Ang Babaeng Humayo ni Direk Lav Diaz, nagkamit ng Silver Lion sa Venice filmfest.

Ang isa pang obra ni Direk Lav na Hele sa Hiwagang Hapis ay nagtamo ng Alfred Bauer Prize sa Berlinale.

Prestihiyoso ang mga parangal na ito. Hindi basta-basta.

Pero semplang pa rin sa ating takilya ang mga naturang pelikula.

Kaya hindi na ako magtataka kung magpa-flop itong Citizen Jake.


Photo by Gorgy Rula

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Flop na agad? Sana bigyan naman ito ng pagkakataon ng mga taong naghahangad ng magagandang pelikula.

Sana naman.

Read Next
Read More Stories About
Atom Araullo, Citizen Jake
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results