Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aksidente ni Christopher de Leon sa taping, tututukan ng KAPPT

Mar 12, 2018

GORGY RULA: Nakarating na sa KAPPT o Katipunan ng mga Artistang Pilipino ng Pelikula at Telebisyon ang kaso ni Christopher de Leon.

Inalam ng KAPPT President Imelda Papin ang eksaktong pangyayari sa taping ng Kambal Karibal, kung saan aksidenteng tinamaan nang matindi ang aktor sa death scene nito sa naturang drama series ng GMA-7.


Continue reading below ↓

Sabi ni Imelda, tamang-tama lang dahil talagang ito na ang susunod na pag-uusapan sa board ng KAPPT—kung paano mabigyan ng proteksiyon ang mga artistang nasa taping o shooting.

Saad ni Imelda, “Actually, we’ll be concentrating on this now.

“Nung umupo ako, nag-concentrate muna ako sa SSS na mabigyan ang mga members, pagkatapos ang PhilHealth na covered ang mga actors, actresses, stuntmen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“We already discussed that sa board, at yun ang aming i-concentrate on how to deal with it, kung paano maproteksyunan ang mga artista natin pagdating sa shooting.

“Kasi responsibility talaga 'yan ng mga producers.

"Kailangan talaga ay obligasyon din ng mga producers na alagaan ang mga artista, hindi lang yung binabayaran nila.

“Ngayon na nangyari ngayon ito kay Boyet, I think mas mapapadali.

"Kasi, how much more yung mga maliliit na artista na hindi naman nila niri-report o nirereklamo?"

Gustong iparating ni Imelda sa lahat na mga artista, malaki man o maliit, bukas ang tanggapan ng KAPPT sa lahat na mga hinaing o problema nila sa trabaho bilang artista.

Continue reading below ↓

“Our office is open. May office po tayo sa Mowelfund, meron din tayo office sa SSS sa may East Avenue.

“Any incident na nangyayari ang ganun, I hope they can go to our office and get in touch with us,” sabi pa ng KAPPT President.

Samantala, ipinadala sa amin ni Sandy Andolong ang litrato ng suppressor ng baril na tinanggal sa hita ng mister niyang si Boyet.


Continue reading below ↓

Iyon ang dahilan kung bakit hindi halos makakalakad si Boyet dahil sa nakabaon nito sa hita niya. Mabuti at natanggal na, at okay na raw siya ngayon, at nagpapagaling na.

Regular namang nagtsi-check ang staff ng Kambal Karibal sa kalagayan ngayon ni Boyet.

Inaayos naman ito ng manager niyang si Lolit Solis sa GMA-7, na nangakong hindi nila pababayaan ang aktor.

JERRY OLEA: Mahigit apat na dekada nang artista si Christopher de Leon.

Napakarami nang pagbabago sa teknolohiya, kabilang sa special effects sa TV at pelikula.

Kaya may windang factor ang ganitong klase ng aksidente, na hindi na dapat maulit.

Kailangan ang ibayong ingat sa mga delikadong eksena.

NOEL FERRER: Aantabayan natin ang aksiyon ng Actor’s Guild dito para beyond Boyet, may institutionalized action sa mga ganitong mga pangyayari para sa proteksiyon ng mga artistang Pilipino.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results