Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bibeth Orteza, ayaw patawag na "replacement ni Direk Maryo J" sa ToFarm Film Festival

Mar 14, 2018

JERRY OLEA: Si Bibeth Orteza ang magpapatuloy ng vision ni Maryo J. de los Reyes bilang festival director ng 3rd ToFarm Film Festival, na gaganapin sa Setyembre 12-18.

Ayaw patawag ni Bibeth na kapalit o replacement ni Maryo J. dahil pinanghahawakan niya ang madalas sabihin noon ni Inday Badiday, “The original is still the best.”

Kuwento ni Bibeth, na apo ng isang magsasaka, sa launch ng TFF 2018 nitong Miyerkules, Enero 14, sa Shangri-La Makati Hotel, huli silang nagkita ni Direk Maryo noong Disyembre sa Christmas party ng Regal Films.

Sabi sa kanya ni Direk Maryo J, “Hoy, bakla! Sa unang ToFarm, nandoon ang asawa mo, artista ni Dennis Marasigan.

“Sa 2nd ToFarm, nandoon ang anak mo sa Baklad, artista ni Topel [Lee].

“Bakla, kailangang next year, nandoon ka na sa ToFarm.”

Kasama si Bibeth sa cast ng unang pelikula ni Maryo J na High School Circa ‘65.

Lahad pa ni Bibeth, “I am very thankful for this opportunity and this privilege to serve the farming community. We are nothing if not for our farmers.”

Continue reading below ↓

Ipinakilala rin ni Dra. Milagros How, ina ng TFF, si Joey Romero bilang festival managing director ng TFF. Si Direk Laurice Guillen ay TFF consultant.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


(ToFarm Film Festival executives Bibeth Orteza, Dr. Milagros How, and Joey Romero)

Ang tema ng TFF 2018 ay “A Tribute to Life: Parating Na.”

Continue reading below ↓

Dedicated ito kay Direk Maryo J.

Pagpupugay pa ni Dra. How kay Direk Maryo J, “You’re always alive in us, and we’re sure, you’re smiling in heaven.

“At maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa ToFarm Film Festival.

“Hanggang sa muli, mabuhay ang magsasakang Pilipino! At mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

Sa Abril 20, Biyernes, ang deadline ng pagsusumite ng scripts sa ToFarm Secretariat Office, 10th Floor, Harvester Corporate Center, 158 P. Tuazon St. corner 7th and 8th Av., Cubao, QC.

Sa Mayo 9 ia-announce ang 12 scripts na nasa shortlist sa ToFarm office.

Sa Mayo 23 ihahayag ang pitong official finalists.

NOEL FERRER: Kung matatandaan natin, tayo sa PEP ALERTS ang unang nagpahiwatig sa pagtatalaga kay Bibeth bilang bagong festival director ng ToFarm Film Festival.

Kasabay ito ng prosesong dinaanan para mahirang ang kahalili ni Direk Maryo.

Ikinuwento sa atin ng Direk Jay Altarejos na matagal silang naghintay sa opisina ni Mrs. Haw at masusing konsultasyon ang isinagawa sa mga kinonsider na nominees at may kaniya-kaniya silang support at lobby groups.

Continue reading below ↓

Ngayong si Bibeth na ang tatayong pinuno niyo, sana’y matutukan na niya ang effective at malawakang distribution ng mga pelikulang lahok rito.

Ngayong sigurado na ang pagpapatuloy ng isa pang venue sa pagtuklas ng mga mahuhusay na mga filmmakers, suportahan natin ang effort ng ToFarm Film Festival.

GORGY RULA: Maganda yung tinanong ni Julie Yap-Daza sa presscon kanina, na kung ano raw ba ang impact sa mga magsasaka o sa Agri sector itong ToFarm Film Fest na nasa pangatlong taon na.

Sabi na Dra. Milagros How, na siyang bumuo nitong filmfest, naikot na raw nila ang iba’t ibang lalawigan ng bansa para maipalabas ang mga pelikulang kalahok sa ToFarm, at mapanood ito ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang may kinalaman sa Agri-business

Pero sabi ni Dra. How, hindi ganun kadali dahil magta-tatlong taon pa lang naman ang naturang festival, at marami pa raw dapat ayusin hanggang sa maiparating ito at mapakinabangan ng mga magsasaka.

Continue reading below ↓

“Two years pa lang ang film festival namin.

"So, yung effect ng first year bago lang namin na-distribute a second year.

"Tuluy-tuloy pa siya,” dagdag niyang pahayag.

Sisikapin daw nilang madala ito sa mga lalawigan na mapanood ng mga magsasaka nang libre.

Kung wala raw silang makuhang kooperasyon sa mga sinehan, nag-iipon daw siya ng mga LED TV para puwede silang magpalabas sa mga barangay o anumang ahensya na hindi na kailangang magbabayad sa mga sinehan.

Dagdag na kuwento ni Direk Maricel Cariaga, natutuwa siya kapag naipalabas ito sa mga probinsya dahil sinasabi raw ng mga tao na mas gusto nilang panoorin ito kesa sa Gandarrapido.

Si Maricel Cariaga ay anak ng isang magsasaka na nagsimula na ring magdirek.

Siya ang gumawa ng pelikulang Pitong Kabang Palay na isa sa mga winners ng ToFarm nung unang taon nito.

Read Next
Read More Stories About
Bibeth Orteza
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results