Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

CABINET FILES: Sharon Cuneta, pinag-iingat sa pakikipagkaibigan kay Kris Aquino

Mar 14, 2018

By JOJO GABINETE

May mga natatanggap na babala si Sharon Cuneta mula sa kanyang concerned friends na pinag-iingat siya sa pakikipagkaibigan kay Kris Aquino.

Ito ang dahilan kaya hindi maiwasang magkaroon ng alalahanin ang 52-year-old Megastar.


Masyadong high profile ang newfound friendship nina Sharon at Kris, na mga hindi ligtas sa public scrutiny dahil parehong sikat, active sa pagbabahagi sa social media followers nila ng kanilang mutual admiration.

Continue reading below ↓

Ikinukunsidera itong oversharing risk, lalo na sa Instagram na worst social media for mental health, base sa report ng Time Health noong May 25, 2017.

Nakasalalay kina Sharon at Kris ang itatagal at katatagan ng kanilang namumuong pagkakaibigan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dapat mapatunayan ni Kris na mali ang pagkakakilala sa kanya ng mga nagbibigay ng babala kay Sharon.

Forty years old na ang entertainment career ni Sharon.

Sa dami ng kanyang mga pinagdaanan, karanasan, at mga taong nakilala, dapat marunong na siya sa pagkilatis ng mga taong pagkakatiwalaan at kakaibiganin niya.

Right now, pareho ang predicament sina Sharon at Kris na mga talented, itinuturing na icons at queens sa showbiz, pero walang mga television show.

Trivia: Mga Reynang Walang Trono ang pamagat ng 1976 movie na pinagbidahan ng movie queen na si Amalia Fuentes at ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results