Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

PEP TROIKA: Lani Mercado at Herbert Bautista, kinilala bilang Outstanding Mayors

Mar 14, 2018

GORGY RULA: Si Bacoor Mayor Lani Mercado ang isa sa pinarangalan bilang Outstanding Mayor 2018 ng Superbrands Marketing International, Philippines na ginanap sa The City Club sa Makati kaninang umaga.


Kasama rin sa pinarangalan ang Quezon City Mayor Herbert Bautista, pero hindi ito nakadalo.

Sabi ni Mayor Lani, gusto nilang patunayang ang mga artistang minamaliit ng iba ay kaya namang magsilbi at may nagagawa sa lugar na pinamumunuan nila.

Continue reading below ↓

Medyo emotional ang actress/politician sa kanyang acceptance speech kung saan inalay niya ang karangalang iyun sa kanyang pamilya lalo na kay Sen. Bong Revilla na maga-apat na taon nang naka-detain sa Custodual Center ng Camp Crame.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Hiling daw niyang makasama na nila si Bong sa kanyang kaarawan sa April 13 para mag-celebrate sa kanilang tahanan.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kasabay na event ng awarding ng Outstanding Mayors ang confirmation ni QC Mayor Herbert Bautista bilang Brig. General sa Senado.


Magandang tanda ang pagkapanalo nila ni Lani Mercado bilang hudyat na maraming puwedeng magawa para sa bayan.

Ang tanong, sana hindi naman ito katulad ng ibang special consumer awards na kailangang magpa-ads at magbigay ng donation sa organisasyon tulad ng lumapit sa amin noon.

Continue reading below ↓

Lani and Herbert are definitely beyond this!

JERRY OLEA: Masaya si Mayor Lani na supportive si Jodi Sta. Maria sa pagbisita ni Jolo Revilla sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Cavite.

Birthday kasi ni Jolo bukas, March 15, kaya nagdiriwang ito sa piling ng constituents.

Congrats kay Mayor Lani sa panibago niyang award, ganun na rin kay Mayor Herbert!

GORGY RULA: Doon din sa awarding ng Superbrands ay namataan namin ang dating sexy star na si Niña Jose.

Sinamahan niya ang kanyang asawang si Dr. Cesar Quiambao, ang mayor ng Bayambang, Pangasinan.

Isa rin si Mayor Quiambao sa pinarangalan bilang Outstanding Mayor 2018 ng naturang grupo.


Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results