By JOJO GABINETE
It’s so 2017.
Three months old na ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Mylene Dizon at John Estrada na nangyari sa taping ng ABS-CBN prime time series na The Good Son noong last quarter ng 2017.
Kaya nagtataka ang mga nakakaalam sa mga tunay na naganap dahil noong nakaraang buwan lamang pumutok ang balita.
Nagmistulang orchestrated smear campaign laban kay John ang isyu dahil sabay-sabay itong lumabas.
Walang narinig mula kay Mylene dahil pinili niyang manahimik para hindi makaapekto ang kontrobersiya sa The Good Son.
Kusang namatay ang isyu, kasabay ng pagpatay sa karakter ni John sa The Good Son at ang publication ng article na may pamagat na “8 times John Estrada exhibited his versatility as an actor in The Good Son,” na tila #Pambawi para sa nabahiran ng dumi na “good-father-and-son image” ng aktor dahil sa akusasyong nagbitaw siya ng mga bastos na salita kay Mylene.