Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

PEP TROIKA: Ai-Ai delas Alas, gustong mabuntis bago matapos ang 2018

Mar 15, 2018

GORGY RULA: Ipinahayag ni Ai-Ai delas Alas sa PEP Troika na sa November ng taong ito ay gusto na niyang mabuntis.

“Tatapusin ko lang lahat na mga projects ko, then by November, magta-try na kami,” pakli ng Kapuso Comedy Queen sa contract signing ng bagong alaga niyang grupo, ang Ex-Battalion, sa kanyang restaurant na Ai Sarap kaninang umaga, March 15.


Continue reading below ↓

Napag-usapan daw nila ng asawa niyang si Gerald Sibayan na ang magka-baby ang gusto nilang matupad bago matapos ang taong ito.

“May plano naman talaga kami. Pero pinapatapos niya muna kasi ayaw niya na haggard ako.

"Kasi pag buntis ka, dapat alagaan ko yun. Ayaw niya yung stressed na stressed ako.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Bawas na stress," saad pa ni Ai-Ai.

Sinundan namin ng tanong kung sa anong proseso itong pagbubuntis niya. Kaya ba niya ang natural na paraan ng pagbubuntis?

“Natural siyempre. Puwede naman ako, e, kaya pa. Keri,” sagot ni Ai-Ai.

May naisip na nga raw silang ipapangalan sa kanilang magiging baby.

Wala raw siyang iniisip na boy o girl ang gusto nilang baby.

Okay lang daw kung boy o girl, basta healthy lang at cute.

JERRY OLEA: Saan ba mas seryoso si Ai-Ai... sa pagbubuntis muli o pagma-manage ng talent?

May plano ba si Ai-Ai na sumapi sa PAMI, ang propesyonal na grupo ng talent managers sa local showbiz?

Continue reading below ↓

Naku! Kung magseseryoso si Ai-Ai, kakabugin niya ang ibang talent managers sa dami at bagsik ng mga koneksyon niya!

Keribels niyang magprodyus ng mga concert at pelikula, ha?!

NOEL FERRER: Nakapagpa-freeze ba ng egg niya si Ai-Ai?

Ano man ang proseso ng pagbubuntis, sana nga ay magbunga ang pagsasama nila ng asawa niyang si Gerald.

At nasabi nga na may mga bago rin siyang anak-anakang ima-manage. Panibagong responsibilidad na naman ito kay Ai-Ai.

Basta ba hindi stressful ang sitwasyon at naaasikaso pa niya ang sarili niya at pamilya, she can always welcome additions to the family.

Congratulations, Ai-Ai!

Dapat lang lagi kang puno dahil you cannot share what you don’t have, friend.

Ingat and we are always here for you!

GORGY RULA: Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Ai-Ai na gusto niyang bawas-bawasan kapag mabuntis na siya ay ang mag-manage.

Two years ang pinirmahan na kontrata sa kanya ng rap group na Ex-Battalion.

Continue reading below ↓

Parang mga anak daw ang turing niya sa mga ito.


Pagkatapos ng Ex-Battalion, si Jiro Manio raw ang susunod niyang ima-manage. Pinapapayat pa raw niya.

Gusto raw niyang karerin ang pagma-manage, pero mga lalaki lang ang gusto niyang alagaan.

Ayaw raw niya ng babae dahil nabubuntis at ang hirap bantayan at protektahan.

Continue reading below ↓

Pinapaalala lang daw niya sa mga alaga niyang Ex-Battalion ang dalawang dahilan para bitawan niya: ang ma-involve sa drugs at sex video.

“Sure naman ako na malinis sila at hindi nagda-drugs.

"Mukhang lang silang adik, pero hindi sila nagda-drugs," diretsong pahayag ni Ai-Ai.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results