Lumalaban na ang P.O.5. sa matinding timeslot ng Sunday noontime variety shows. Host lineup nito: Lu

by Erwin Santiago
Oct 17, 2010
Lumalaban na ang P.O.5. sa matinding timeslot ng Sunday noontime variety shows. Host lineup nito: Lucy Torres at Richard Gomez, John Estrada at Wilma Doesnt, Mr. Fu at IC Mendoza na panay high energy at pleasant panoorin. Ang dance/song production numbers naman ay ginawang pa-contest sa mga artista mismo ng network: Alex Gonzaga, Regine Tolentino, Jon Avila, Rainier Castillo atbp, na panay bigay-todo effort. Siyempre pa, mas malakas ang hatak ng mga artistang nakikipaligsahan kesa ordinary contestants. Tapos pa, ang variety ng audience ay mas lumawak dahil na rin sa paglipat ng studio sa Broadway. Ngayon ay meron pa itong panggulat: ang 1st P5M text winner, isang 19-yr-old mula sa Cam Sur.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results