Maine Mendoza, handa nang mag-shoot para sa Coco Martin-Vic Sotto MMFF 2018 movie

Bukas, July 29, ang conclusion ng month-long guesting ni Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko kaya nakaramdam ng separation anxiety ang staff ng Sunday program ng GMA-7 dahil mami-miss nila ang TV host-actress.


“Mabait sa set” at “mahusay makisama” ang ilan sa mga papuri kay Maine ng staff ng Daig Kayo ng Lola Ko, at kung sila ang tatanungin, gusto raw nilang magkaroon ng extension ang special guesting ng aktres sa kanilang programa.

Apat na linggong nagbida si Maine sa July episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko at mataas ang lahat ng ratings nito, pero hindi na mapagbibigyan ang mga request na extension dahil sa filmfest movie na pagtatambalan nila ni Coco Martin.

Magsisimula na ang shooting ni Maine para sa Popoy En Jack: The Puliscredibles, ang official entry nina Coco at Vic Sotto sa 44th edition ng Metro Manila Film Festival.

Ito ang dahilan kung bakit isang buwan lamang ang commitment niya sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Otherwise, maaapektuhan daw ang ibang mga schedule niya, tulad ng kanyang Monday to Saturday appearances niya sa Eat Bulaga.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN