GMA Artist Center, naglabas ng official statement tungkol sa pagtanggal kay Josh Adornado sa Studio 7

IMAGE Noel Orsal

Straight to the point ang official statement ni GMA Artist Center Vice-President Simoun Ferrer tungkol sa tunay na dahilan at sa desisyon ng talent management agency ng GMA NetworkI, nc. na bitawan ang pamamahala sa showbiz career ng The Clash finalist na si Josh Adornado.

Inamin naman ni Josh ang kanyang pagkakamali dahil hindi siya naging matapat.

IMAGE Noel Orsal

“After The Clash, when Josh Adornado signed the management contract with GMA Artist Center, he did not declare that he already had a contract with another manager.

“Given that he has a live contract with the said manager, that makes all his GMA contracts, including his program contract with Studio 7, null and void,” ang opisyal at walang paliguy-ligoy na opisyal na pahayag ni Ferrer.

Nang mawalan ng bisa ang kontrata ni Adornado sa GMAAC, inalis na rin siya bilang mainstay ng Studio 7, ang Sunday night musical variety show ng Kapuso Network.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN