Comedy skit nina Phillip Salvador at Bong Go, may permiso ni Kris Aquino?

IMAGE Noel Orsal / YouTube

May bagong twist sa kuwento ng "controversial comedy skit" nina Phillip Salvador at senatorial candidate Bong Go na inalmahan ni Kris Aquino.

IMAGE Noel Orsal / Screen grab from YouTube

Unang ginawa nina Phillip at Go ang "Kris joke" sa campaign sortie nila sa Bulacan.

Ganito ang naging takbo ng kanilang biruan:

Bong Go: "Si Ipe po ay adopted father ng Davao City. Alam niyo bakit adopted father? Kasi po, nag-iwan po siya ng apat na anak sa Davao."

Phillip: "Hindi ho totoo 'yan. O, naniwala naman kayo..."

Bong Go: "Totoo naman, e. Naloko mo nga si Kris Aquino, e!"

Phillip: "Hindi ko siya niloko kahit kailan. Minahal ko siya."

Naging regular na ang skit nilang ito sa mga sumunod na campaign sorties.

Noong February 26, Martes, 6:26 ng umaga, nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng video ng palitan ng biruan nina Phillip at Go sa isang campaign sortie.

Sa caption ay tinira ni Kris si Bong dahil ginawa siyang "punchline" nito.

Sabi ni Kris: "Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (i know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?

"Sorry ha- minalas- nandun kasi yung “NALOKO”... nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.

View this post on Instagram

So much hurt deeply in the past few days. i was shown this video while in �??��??� and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka... i was doing a #konmari on my phone & lumabas yung video...pinanuod ko ulit. Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga “naloko” ako. Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (i know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family? Sorry ha- minalas- nandun kasi yung “NALOKO”... nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Sumunod na araw, Miyerkules, February 27, sa pamamagitan naman ng Facebook Live, 8:32 ng gabi, inabsuwelto ni Kris si Go sa skit na naka-offend sa kanya, ngunit si Phillip ngayon ang pinagbuntunan nito ng galit.

Ngayong araw, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na labis na ikinagulat ni Go ang reaksiyon ni Kris.

Isang nasa inner circle ni Go ang nagsabi sa PEP.ph na sa simula't-simula pa lang ay alam na ni Kris na may ganoong skit si Go dahil direktang nagpaalam ito kay Kris.

Sabi pa ng source, "nagprisinta" pa raw si Kris na sumali sa skit sa entablado nang makatulong sa kampanya ni Go.

Kaya gulat na gulat raw si Go nang napakaraming sinabi ni Kris laban kay Phillip, ang former live-in partner ng ex-TV host-actress at ama ng panganay na anak nito.

May mga nag-discourage raw kay Go na gawin ang skit dahil posibleng magkaroon ito ng repercussions, pero itinuloy pa rin ni Go dahil, katuwiran niya, humingi siya at nabigyan ng pahintulot ni Kris.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN